Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Joshua Garcia malaki ang pasasalamat sa pagkakaibigang nabuo kasama ang KathNiel

Ibinahagi ni Joshua Garcia ang kaniyang pasasalamat sa celebrity power couple na KathNiel dahil sa pag-kakaibigang nabuo nila


Malaki ang pasasalamat ni Joshua Garcia sa nabuong pagkakaibigan kasama ang power couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ito ang siyang inamin ni Joshua ng makapanayam siya sa presscon para sa upcoming teleserye niyang ‘Viral Scandal’ na mapapanood na ngayong November 15.

Ikinatutuwa at ipinagmamalaki umano niya ang tunay na kabaitan, pagiging mapag-kumbaba at ang pagiging totoong tao ng real life couple.


Pagbabahagi pa ni Joshua na naging sandalan umano niya sina Kathryn Bernado at Daniel Padilla lalo pa ngayong pandemya kung saan marami siyang napagdaanang problema sa buhay, kaya naman nasabi rin niyang malaki ang utang na loob niya sa magka-sintahan.

“Sila kasi yung nandu’n sa akin nu’ng time na nag-pandemic at nakakulong lang lagi ako sa kuwarto. Hindi kasi ako mahilig lumabas.

“So ang laking tulong na ginawa nila na lumalabas kami, ang dami naming activities na ginagawa and sila rin kasi yung nandiyan nu’ng time na yung time na may problema ako, sila yung nandiyan para sa akin,” ani Joshua.

Matatandaang nagsimula ang kanilang pagkakaibigan ng mapa bilang si Joshua sa pelikula ng KathNiel na ‘Barcelona: A Love Untold’ na ipinalabas noong 2016.

Pagpapatuloy pa ni Joshua na sa kabila na pagkawala niya o hindi pagsasama sa kanila noon ay hindi siya binitawan ng mga kaibigan na labis niyang pinagpapasalamat.

“Hindi sila nawala kahit na aminado ako nawala ako. Sobrang pasasalamat lang at sobrang grateful ako na nandiyan sila para sa akin. 

“I think sobrang suwerte ko na naging kaibigan ko sila,” buong pahayag ni Joshua ng tanungin patungkol sa pagkaka-ibigan nila nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Matatandaan pa ngang maka-ilang beses nang nag bahagi ng mga litrato niya kasama sina DJ, Kath kabilang pa sina Ria Atayde at iba pa si Joshua sa kaniyang Instagram account.

Sa isa sa mga post niya ay naglagay pa siya ng caption na, “These beautiful people saved me from drowning in loneliness, Surround yourselves with positive energies during these times, my friends, because there are days in our lives that we all need to swim on our own.”



Joshua Garcia malaki ang pasasalamat sa pagkakaibigang nabuo kasama ang KathNiel
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments