Isang awiting nagbibigay pugay sa ating Pandemic heroes
Inilabas na ng Infinite Moment Creations ang pinaka bagong awiting handog nila ngayon para sa makabagong bayani ng ating bansa sa gitna ng pandemya.
Nitong nagdaang mga linggo lamang ay nagbukas ng patimpalak ang Infinite Moment, songwriting contest kung saan ay bida ang kabayanihan ng ating frontliners ngayon pandemya.
Nagwagi ang kanta ni Angela Marie Maligaya ng Coron na may titulong “Anthem to the Unsung and Fallen Pandemic Heroes”.

Ang mga taong tumutulong ng walang hinihintay na kapalit, mga frontliners na sa kabila ng hirap na trabahong kinakaharap ay nananatiling matatag, ito umano ang naging inspirasyon ni Angela kung bakit niya naisulat ang winning song niya.

Taga Coron, Palawan si Angela na 20 years old na at kasalukuyang nag aaral ng BS Medical Biology sa Palawan State University at minsan na rin siyang nagwagi sa isang patimpalak na Muntig Tinig 2009 sa kaparehong lugar.
Nagwagi si Angela ng P15,000 mula sa patimpalak na ito na aniya ay hindi niya inaasahang mananalo pa siya dahil first time lamang niyang sumali sa isang songwriting competition.
Samantala ang umawit naman ng kantang isinulat ni Angela ay si Ygie Hera Ledesma, 25 years old at tunay na nabigyan niya ng hustisya ang kanta lalo pa’t isa siyang Health Care worker na siyang isa sa mga inpirasyon ni Angela sa naturang kanta.

Pakinggan ang kanta kaakibat ang official Music Video na ito na tunay na maipagmamalaki ng bawat pinoy.:
Listen to “Anthem to the Unsung and Fallen Pandemic Heroes”
Source: Babaero Balita

0 Comments