Ina ni ALbie Casino nagkuwento ng hinanakit kay Ogie Diaz patungkol sa isyung patuloy na pinag-uusapan kaugnay si Andi Eigenmann
Ilang araw na ring usap-usapan sa apat na sulok ng social media ang patungkol sa naging issue noon ng dating magka relasyong sina Andi Eigenmann at Albie Casino.
Ito ay matapos na maglabas ng kaniyang tapat na saloobin si Albie sa isang kumu live kung saan sinabi niyang hindi pa sinserong humihingi ng tawad sa kaniya si Andi sa mga nagawa nito.
Matapos nito ay ang mapangahas namang Instagram post ni Jacklyn laban kay Albie at inuutusan nito maging si ABS-CBN TV Production head Lauren Dyogi na patahimikin si Albie patungkol sa isyu.
Binura naman ni Jacklyn ang Instagram post niya makalipas ang ilang oras, ngunit sinundan naman agad ito ng Instagram story ng kapatid ni Andi na nagbahagi ng isang screenshot na tinutukoy na resibo kung saan pormal umanong humingi ng paumanhin si Andi kay Albie Casino.

Sa kaniyang youtube showbiz vlog naman ay ibinahagi ng batikang showbiz columnist at manager na si Ogie Diaz ang naging saloobin ng ina ni Albie na si Rina Casino hingil pa rin sa naturang issue.
Base sa ikinuwento ni Ogie ay naiiyak na lamang umano si Rina sa tuwing maaalala ang sinapit na pambubugbog ng anak na si Albie sa mga kamay ng kaibigan ni Andi.
“Kausap ko si mommy Rina Casino at naikuwento sa akin na sinabi raw ng husband niya na huwag ka nang magsalita, ‘truth will always prevail.’
“Basta ang importante raw alam ni Andi kung ano ang naganap. Kaya si Mommy Rina naiiyak daw siya ‘yung bigla na lang ibinalik ‘yung puro pasa ang mukha ni Albie kasi di ba pina-flash ngayon, nagto- throwback.

“Ayaw daw niyang tingnan kasi naiiyak siya that time helpless siya nu’ng nagyari ‘yun kasi that time nasa Subic (Zambales) siya na habang ibinabalita na lang sa kanya na binugbog si Albie ng mga kaibigan ni Andi.
“Dati kasi pinagtatakpan ni Albie sa kanya si Andi. May mga times pa raw na sinasampal ni Andi si Albie pero itinago ito sa kanya ng anak niya. Kasi kapag nagagalit daw si Andi ganu’n,” kwento ni Ogie.
“Pero ang claim naman ni Jaclyn si Andi ang binubugbog ni Albie? Iba-iba ang side ng istorya,” ani naman ni Mama Loi na siyang kasama ni Ogie sa kaniyang vlog.
“Minsan kasi iba naman ang katwiran ng lalaki, hindi ko siya binugbog, inaawat ko lang siya kapag nagagalit kaya siya nagkakapasa. Di ba may mga ganu’n ipapakita ang mga pasa pero ang totoo inaawat lang ng lalaki kasi ayaw siyang saktan ng lalaki.

“Sa totoo lang may sinabi sa akin si Mommy pero off the record. Ilalabas ko pag may permiso na. For now gusto natin mag-usap sina Andi at Albie kasi di ba pupunta ng Siargao si Albie gusto niya at wala siyang pakialam kung magkita sila ni Andi. Pero feeling ko hindi ‘yan papayagan ni mommy (Rina), ‘wag ka munang pumunta ng Siargao,” dugtong ni Ogie.
“Nagkaroon ng anxiety attack si Albie, nagkaroon din ng depression. Sabi nga ni mommy, ‘maiintindihan mo naman Ogie kung saan nanggagaling ito lahat. Alam ni Andi ang totoo hindi para sa amin manggaling kung ano ‘yung totoo.
“Naiintindihan din naman natin si Jaclyn Jose dahil nanay ‘yan! Lola ‘yan ng kanyang (mga) apo. Kaya kung meron mang higit na nasasaktan ‘yung nanay (at) naiintindihan natin siya habang naiintindihan din natin si mommy Rina bilang nanay din siya ni Albie,” pagku kwento pa ni Ogie.
Matapos na pag-usapan ay humiling na lamang si Ogie kina Jaclyn at Mommy Rina, “Magpa-Pasko pa naman, oh. Tsumika na lang kayo sa isa’t isa, ‘yun naman ang gusto ng lahat magkabati ang pamilya. Huwag ka na ma-high blood Jaclyn?”
Ina ni Albie, naiiyak tuwing maaalala ang pambubugbog sa anak, may mensahe ba kay Jacklyn?
Source: Babaero Balita

0 Comments