Manay Lolit Solis nagbahagi ng kaniyang kalungkutan kaugnay pa rin ng lumalalang sakit dala ng covid.
Sa paglaganap nga ng pandemya sa buong mundo ay binalot ng takot at pangamba ang bawat isa sa atin dahil sa dala ng sakit na Covid-19.
Isang taon at kalahati na ring tayo ay nakakulong sa ating mga bahay at patuloy pa ring kasa-kasama sa bawat paglabas sa bahay ang takot na baka mahawa tayo sa sakit.
Nariyan pa rin ang patuloy na pagsusuot ng face mask at kadalasa’y kaakibat ang face shield saan mang lugar tayo mag-pupunta.
Kaya naman nakakaramdam tayo ng kalungkutan sa mga panahong ito na wala pa ring kasiguraduhan pagdating sa ating mga buhay, ito nga marahil ang biglang naisip ng batikang showbiz columnist na si Lolit Solis matapos siyang magbahagi ng kaniyang saloobin sa Instagram account niya.

Sa kaniyang Instagram post ay ibinahagi ni Lolit na nitong mga nagdaang mga araw ay morbid ang mga thoughts na pumapasok sa kaniyang isip patungkol pa rin sa covid.
“Salve alam mo ba na ewan ko kung bakit pero lately morbid ang mga thoughts na pumapasok sa utak ko. Dala siguro ng personally nakita ko how fast covid can take a life of a person.
“Iyon alam mo ang danger ng covid pero hindi mo feel na ganuon ang impact nito, kausap mo ngayon, the next day wala na iyon tao.,” pagsisimulang kwento ni Lolit.
Dahil umano sa mga senaryong iyon ay napagtanto ni Manay Lolit ang pagiging helpless natin kapag tayo ay naipit na sa ganitong sitwasyon ng dahil sa sakit na covid.

“Dahil sa experience na iyon, nakita ko how helpless you are pag walang puwede gumalaw sa pamilya nyo dahil naka quarantine. Iyon sino kausap sa hospital, sa funeral parlor, mag aasikaso ng ashes mo.
“Wow, nuon ko nadama iyon paano ka na pag konti lang kayo sa pamilya. Paano ka na kung lahat sila naka quarantine? Iyon p*tay ka na, pero parang abandoned ka. So morbid. So scary. Kainis dahil next month December na, pero heto at iyon naglalaro sa utak ko.
“Bigla parang tutal dalawang bagay lang ang talagang sure ka, iyon isilang ka at m*matay dapat talaga na pinaghahandaan mo na lahat. At isa pang na discover ko, kahit meron ka ng sarili museleo, ang dami parin papers na dapat ihanda bago ka makapaglibing ng ashes o coffin. Sino gagawa ? Magpa follow up ng mga papers ?
“How sad talaga. Kaya nga siguro bigla nakaramdam ako ng emptyness. Naku Salve at Gorgy ha, tiyakin nyo na everything may mag aayos ng lahat, dahil kaloka na nawalan ka na ng mahal sa buhay, heto at gulong gulo ka pa sa paperworks. Complicated lahat, sa buhay at hanggang k*matayan. Kainis,” buong post ni Manay Lolit.
Lolit Solis naglabas ng kalungkutan sa social media, “nakaramdam ako ng emptiness”
Source: Babaero Balita

0 Comments