Kabayan Noli De Castro magbabalik na sa DZMM Teleradyo
Ilang linggo ang nakakaraan ng pormal na magpa alam si Noli De Castro sa Kapamilya Network partikular na sa kaniyang news program na TV Patrol.
Sa pamama-alam niya sa programa ay ang pagpasok niyang muli sa mundo ng pulitika sa pag file niya ng kaniyang candidacy bilang senador sa susunod na halalan.
Ngunit ginulat nga ni Kabayan Noli De Castro ang lahat ng ilang araw lamang ang nakalilipas mula ng mag file siya bg coc niya ay ibinalita niyang hindi na siya matutuloy sa pagtakbo bilang senador.
“Isinumite ko ang aking kandidatura sa Comelec… Ngunit nagkaroon ng pagbabago ang aking plano, Kasabay ng pagdarasal sa Poong Nazareno, napag-isip-isip kong mas makatutulong ako sa pagbibigay ng boses sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng pamamahayag,” pahayag ni Kabayan Noli.

Matapos ang pag atras niya sa kaniyang kandidatura bilang senador ay mabilis na lumabas ang haka hakang hindi sa ABS-CBN kundi sa ibang news team ito magbabalik sa pamamahayag.
May isang artikulo pa nga ang inilabas na ayon sa kuro kuro ay nalalapit na ang pagbabalik ni Kabayan sa ibang estasyon at siyang hahawak ng flagship news program ng naturang estasyon.
Ngunit sa mga nagdaang araw lamang ay mabilis na pinabulaanan ni Kabayan Noli De Castro ang mga haka-hakang ito at pinatunayan niyang Kapamilya Forever siya.
Sa kaniyang Instagram account ay nagbahagi siya ng isang video mula sa dating DZMM program niya kaakibat ang caption na, “Magandang Umaga, Bayan. Miss ko na kayo kabayan. Abangan”

Sa sumunod na Instagram video post niya ay nagbahagi siya ng kaniyang sarili na nasa dalampasigan, habang pinapanuod ang paglubog ng araw.
Sinamahan niya ito ng caption na, “Salamat po, sa kaunting pagkakataon na ma-enjoy ko ang beach, bago bumalik muli sa Teleradyo sa Lunes (Nob 8), kita kits kabayan.”
Masaya naman ang pamunuan ng ABS-CBN sa pagbabalik na ito ni Kabayan Noli De Castro sa Kapamilya Network lalo na sa kaniyang programa sa DZMM.
“Natutuwa kami at magbabalik sa Teleradyo si Noli de Castro para ipagpatuloy ang kanyang tunay na misyon, ang maglingkod sa kapwa Pilipino sa pamamagitan ng kanyang programang Kabayan. We welcome him back in ABS-CBN with open arms.”
Sa pagbabalik na ito ni Kabayan ay pinagtibay niya ang mga katagang sinabi niya noon pa man na siya ay “Forever Kapamilya”.
Noli De Castro tinupad ang pangakong Kapamilya Forever, balik DZMM na
Source: Babaero Balita

0 Comments