Ipinagtanggol ni Bugoy Cariño ang partner niyang si EJ Laure mula sa mga bashers na nilait ang itsura nito
Sa kaniyang tiktok account ay masayang nagbahagi ng video si Bugoy Cariño ng sweet moment nilang mag partner ni EJ Laure habang sila ay nagsasayaw.
Ngunit ang tila magandang intensiyon ni Bugoy na magpasaya ng kaniyang followers ay hindi niya buong nakamit dahil sa mga kumentong natanggap nito partikular na ng kaniyang partner.
May ilang netizens ang napansing hindi pa rin kumukupas ang galing sa pag-sayaw ni Bugoy, ngunit may ilan din namang pinansin ang pisikal na itsura ng partner niyang si EJ.
Nakatanggap ng panlalait mula sa ilang netizens ang partner ni Bugoy na si EJ Laure na pinuna ang tila kapayatan nito, ang ilan pa nga ay nagbahagi ng pangangantyaw at sinasabing mukha raw silang mag ate o di kaya naman ay mukha raw silang mag nanay na dalawa.

“YAYA MO BA YAN KUYA BUGOY? HAHAHAHHA,” kumento ng isa. “sino yang nasa likod mo?? mama mo po ba yan ??,” tanong naman ng isa pa.
Ang iba naman ay ikinukumpara siya kay Whamos na isang social media personality na madalas ding kantyawan ng marami dahil sa itsura nitong madalas pagtawanan ng mga mapang husgang tao.
Kung may nanlalait ay mayroon din namang nagtatanggol sa dalawa at napansing true love ang nananaig sa kanila dahil sa kabila ng kontrobersiya ay matatag pa rin ang pagsasamahan nila.
“walang pangit at maganda kung talagang mahal moh.kaya sau ako bugoy ehhh…proud ka sa Asawa moh.hayaan. moh mga nang babash sau,” ani ng isa.

Hindi naman napigilan ni Bugoy na mag kumento at ipagtanggol ang kaniyang partner sa mga nanlalait dito.
“MUKHA DAW BAKLA, MUKHANG NANAY, WALA DAW LAMAN PARANG PADER DAW. OK NA UNG GANYAN KESA NAMAN SA IBANG BABAE NA PURO GANDA AT LAKI NG OSUS LANG LABAN.
“At least si EJ, marunong sa mga gawaing bahay, madiskarte, higit sa lahat loyal. Baka yung mga nag cocoments diyan yung mga jowa niyo mga walang alam sa buhay.
“Sa panahon ngayon, ‘di mo kelangan magjowa ng matsura o malaki cocomelon, mas masarap mahalin ‘yung madiskarte at hindi maarte, siyempre loyal.
“Puro paganda at kaartehan lang! Just saying, mataaman sapul sorry,” buong pahayag/reply ni Bugoy Cariño sa tiktok video nilang mag partner ni EJ Laure.
Bashers nilait si EJ Laure tinawag na pangit, Bugoy Cariño ipinagtanggol ang partner
Source: Babaero Balita

0 Comments