Ibinahagi ni Nash Aguas ang isang kwento ng Lola na labis na nagpadurog ng kaniyang puso
Sa latest vlog ng showbiz personality at manager na si Ogie Diaz ay nakapanayam niya ang dating Goin Bulilit star na si Nash Aguas at kinamusta nito ang buhay ng binata.
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na mula sa pagiging isang child actor ay papasukin na ngayon ni Nash Aguas ang mundo ng politika.
Tatakbo bilang isang councilor ang 23 years old na si Nash Aguas sa lungsod ng Cavite kung saan kapartido niya ang aktor rin at kasalukuyang Cavite Vice Governor na si Jolo Revilla.
Sa pagku kwento ni Nash ay nakilala niya ang Vice Mayor ng Cavite noong 2019 na siyang nag anyaya sa kaniya ngayon na tumakbo ngayong halalan, noong una pa raw ay ayaw niyang tumakbo ngunit kalauna’y napagtanto niya na gusto niyang tumulong sa mga kababayan niya.

Sa kanilang pagku kwentuhan ay napadpad sa isang tanong si Ogie Diaz na siyang naging dahilan ng pagiging emosyonal ni Nash Aguas.
Itinanong ni Ogie kay Nash kung kailan ba ito huling lumuha at dito nga ay ibinahagi ni Nash na noong nag ikot sila sa Cavite at nakakilala siya ng isang lola na nagpa antig ng kaniyang puso.
“Nung nag-ikot kami sa Cavite City tas meron akong nakitang lola tapos nagbigay kami ng bigas. Pinakita niya yung asawa niya, tas yung asawa niya, baldado na kasi putol yung paa.
Nakatira sila sa gilid, yung parang kubo na afloat sa dagat, dun sila nakatira tapos naiiyak siya kasi hindi niya mabilhan ng maintenance yung asawa niya,” ani ni Nash na nagsimula ng mangilid ang mga luha.

At hindi na nga napigilan pang lumuha ni Nash ng alalahanin niya ang naturang pangyayari na dumurog umano sa kaniyang puso dahil sa kalagayan ni Lola.
“Nainis kasi ako. Nainis ako kasi parang ang daming taong nakaupo, paano nila natitiis yun? Paano nila natitiis na nakawin pa yung budget ng mga tao?,” ani pa ni Nash ng tanungin ni Ogie kung bakit siya naiyak dahil doon.
Dahil raw sa tagpong iyon kaya niya nanaising makatulong sa kaniyang kababayan partikular na ng mga senior citizen lalo pa’t lola’s boy umano siya.
Napag tanto umano niya kung gaanong nahihirapan ang marami sa totoong estado at hirap ng buhay kaya naman nais niyang matulungan ang mga ito ng hindi lamang sa pagbibigay charity kundi ang pagtulong bilang isang mabuting pulitiko.

Nash Aguas naluha habang nag ku kwento patungkol sa isang lola sa Cavite
Source: Babaero Balita

0 Comments