Ipinagtanggol ni Kimpoy Feliciano ang kaibigang si Heaven Peralejo sa mga bashers nito sa kanilang larawan
Trending at usap-usapan ngayon sa social media ang mga litrato nina Kimpoy Feliciano at Heaven Peralejo kasama ang iba pa na masayang nagtatampisaw sa isang ilog.
Makikita sa kanila ang tunay na kasiyahansa mga litratong ibinahagi ni Kimpoy Feliciano sa kaniyang facebook page, kasama na nga rito si Heaven Peralejo.
“It’s not the place, it’s always the people,” caption pa ni Kimpoy sa kaniyang facebook page, nasa Tinipak River sila nina Heaven at mga kaibigan sa Tanay Rizal.
Ngunit imbes na spreading goodvibes lamang sana ang mithiin ni Kimpoy sa pagsi share niya ng naturang mga litrato ay tila dinagsa ito ng bashers partikular na ng bashers ni Heaven Peralejo, sa mga vlogs kasi ni Kimpoy ay tila may nila loveteam siya na siyang kinaiinis ng fans nito.

Muli na namang ini ungkat ng ilan ang nakalipas na relationship ni Heaven Peralejo at siyang ipinapaalala nila kay Kimpoy Feliciano.
Sa mga nakaraang post kasi ni Kimpoy ay lagi nitong kasa-kasama ang kaibigan nitong si Anghet na siyang kinakililigan ng kaniyang fans at tunay na sini ship silang dalawa.
Naglabas ng galit ang mga ito matapos na makitang magkasama sila ngayon ni Heaven Peralejo kahit pa wala naman siyang sinasabing may relasyon sila nito.
“Di mo kami masisisi Kimpoy kasi kaya nga kami nandito para sa #paolita buti kung nagpopost din si Anghet ng may kasamang iba baka maintindihan pa namin.. di kami pinanganak kahapon anyways, mag iingat ka nalang enjoy ka sa langit pero di kailanman kami support sa tambalan niyu ni heaven,” sabi ng isang fan na naglabas ng galit sa vlogger.

Agad namang nag kumento si Kimpoy at ipinagtanggol ang kaibigang si Heaven mula sa pamba bash na natatanggap nito, maging ang estado ng pagkakaibigan nila ni Anghet ay ipinaliwanag nito.
“Para sa mga rude sa comment section, Magkaibigan kami ni Heaven. If you’re judging the person based on the things you only know from the internet, that’s on you.
“Sana kilalanin niyo muna yung tao on a personal level before kayo manghusga. Also, hindi po kami ni Anghet and wala naman pong masama kung may iba akong mga kasama,” paliwanag ni Kimpoy.
“Kimpoy no need to explain, who are they anyway if they don’t like you with your friends around it’s their problem not yours, just laugh and enjoy life. God bless and continue being good,” kumento naman ng isang fan na ipinagtanggol si Kimpoy.
Kimpoy Feliciano pinagtanggol si Heaven Peralejo sa mga namba bash dito
Source: Babaero Balita

0 Comments