Nagbahagi ng kani kanilang opinyon ang mga nakatatandang kapatid ni Shaina Magdayao patungkol sa usap-usapang relasyon niya kay Piolo Pascual
Nitong nakaraang mga linggo ay ikinagulat at kinakiligan ng mga netizens ang mga sweet photos ng kapamilya stars na sina Shaina Magdayao at Piolo Pascual.
Sa nasabing mga litarato ay makikitang kasama pa nila sina Jodi Sta. Maria at Raymart Santiago na tila ba nag double date sa kanilang bakasyon.
Samantala kaakibat ng naturang mga litrato ay ang pagtatanungan ng mga marites kung nagdadalang tao na ba ngayon ang kapamilya actress na si Shaina Magdayao?
Sa isang article na inilabas ng Bandera kamakailan lamang ay nakapanayam nito ang mga nakakatandang kapatid ni Shaina Magdayao na sina Sheila Magdayao at Vina Morales, sinagot ni Sheila ang tanong kung nagdadalang tao nga ba si Shaina na siyang usisa ng bandera.

“Hahaha! Hindi. Now ko lang narinig. Hehehe! Pero how I wish kasi 31 na siya,” masayang at natatawang sagot umano ni Shiela sa bandera.
Naitanong na rin dito kung noong una pa lamang ay alam na nila ang tila relasyon nina Shaina at Piolo bago pa man lumabas ang mga sweet photos nila.
“Hindi rin wala naman siyang sinasabi and Piolo naman is malambing sa lahat,”sagot ni Shiela na dinugtungan pa ng, “Hindi ko alam ‘yan kasi hindi naman namin napag uusapan si Piolo.”
Halos kapareho lamang ang sinagot ng isa pang kapatid ni Shaina Magdayao na si Vina Morales patungkol sa maugong na relasyon ng dalawa.

Nagulat na lamang umano si Vina Morales sa mga lumabas na photo nina Piolo at Shaina dahil wala itong alam kung sila na ba talaga, pag-amin pa niya na lagi naman umanong sweet ang dalawa sa isa’t-isa.
“Ewan ko diyan sa dalawang ‘yan. Ha-hahaha! Lagi naman kasing sweet yan sa isa’t isa. Ha-hahaha! Naku, tanungin mo sila, ako ayaw ko nang tanungin si Shaina.
“Nagulat na nga lang ako sa photo na ‘yun. Ang alam ko lang kasama n’ya si Jodi sa Bohol, Nandu’n pala si Papa P. he he he,” dagdag pa nito.
Sinang-ayunan naman ni Vina Morales ang pakli ng Bandera team na bagay naman sina Shaina at Piolo, “Hahaha! Agree naman ako, lalo na sa ugali. Parehong mabait.”
Shaina buntis raw?, Vina Morales nag-react sa mga sweet photos nina Piolo at Shaina
Source: Babaero Balita

0 Comments