Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Grab Rider na tinamaan ng ligaw na bala, binisita at tinulungan ni Jake Cuenca

Binisita ni Jake Cuenca ang delivery rider na nadamay sa isang insidente na kinasangkutan niya


Sa kaniyang Instagram post ay ibinahagi ni Jake Cuenca ang mga litrato ng pagbisita niya sa delivery rider na ana-aksidente sa lugar kung nasaan din siya noon.

Tinupad ni Jake Cuenca ang kaniyang pangako noon na tutulungan at bibisitahin niya ang naturang delivery rider na nadamay lamang sa isang insidenteng kinasangkutan niya.

Matatandaang noong nakaraang buwan ng binulabog ang social media ng balita patungkol sa insidenteng ito na kinasangkutan ni Jake Cuenca.


Naganap ang insidente ng mapaghinalaan ng mga pulis na may hindi magandang hangarin si Jake Cuenca sa mabilis na pagpapatakbo nito ng kaniyang sasakyan, samantalang si Jake naman ay natakot sa senaryo dahil mga nakasibilyan lamang ang mga pulis dahilan upang mabilis siyang umalis.

Dahil sa naturang hindi pagkaka-unawaan ay nauwi sa habulan at pagpapaputok ng baril sina Jake Cuenca at kapulisan dahilan upang mabaril ang dumadaan lamang na delivery rider.

Matapos ang insidente ay sinampahan ng kaso si Jake Cuenca ng mga pulis na kalauna’y iniurong naman ng mga ito ng makapag-paliwanagan ang bawat kampo.

Nang tanungin naman si Jake Cuenca patungkol sa delivery rider ay nangako itong bibisitahin niya ito at tutulungan kung kailangan pa, “I also want to extend my hand,” ani ni Jake.

At sa kaniya ngang Instagram post ay ibinahagi nito ang mga larawang kuha mula sa pagbisita niya kay Eleazar, ang nabaril na delivery rider, at labis na ikinapasalamat ni Jake ang pagkakaligtas ng buhay nito.

“Masaya ako na nagkaroon ako ng pagkakataon na madalaw si eleazar martinito ang grab driver na nasaktan sa isang insidenteng hindi ko malilimutan,” panimula ni Jake.

Nagpasalamat ito sa mga pulis na siyang tumulong kay Eleazar, maging ang may kapal ay pinasalamatan niya dahil nasa maayos na kalagayan ito ngayon kasama ang pamilya nito.

“Taos pusong pasasalamat sa mga pulis na tumulong sa iyo at naging tulay para makilala kita. Labis ang aking pasasalamat sa Panginoong Diyos na nasa maayos kang kalagayan kasama ang iyong pamilya.

“Hangad ko ang iyong patuloy na kaligtasan at nawa’y makabalik agad sa iyong trabaho. Nandito lang ako para sa’yo Ely!,” buong pahayag ni Jake.



Grab Rider na tinamaan ng ligaw na bala, binisita at tinulungan ni Jake Cuenca
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments