Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Partylist na kabilang sa kumitil ng prangkisa ng ABS-CBN, sa kapamilya naghahanap ng endorsers!

Da Who kaya ang partylist na lumapit sa isang manager at naghahangad na ma endorso sila ng ilan sa mga sikat na kapamilya artist?


Lagpas isang taon na mula nang tuluyang mag sign off ang Channel 2 Broadcast ng Kapamilya Network dahil na rin sa pagkaka paso nito noong May 2020.

Kasabay ng pagkaka paso ng prangkisa ng ABS-CBN ay ang pag deny naman ng kongreso upang ma renew ito kaya naman hindi pa nakakabalik sa ere ang Kapamilya channel 2.

Kaakibat ng kawalan ng prangkisa ang pagkawala rin ng trabaho o hanap-buhay ng mahigit sa lima hanggang anim na libong empleyado nito.


Sa pagpasok naman ng bagong speaker na si Lord Allan Velasco na bahagi pa rin 18th Congress noong October 2020 ay nilinaw nito na nasa mga kamay na ng susunod na kongreso ang muling pagbubukas ng usapin upang mabigyan muli ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN.

Ang tinutukoy ni Velasco ay ang 19th Congress na magaganap sa susunod na taon kasabay ang pagluluklok sa panibagong Presidente at Bise Presidente ng bansa.

Magaganap nga ang halalan sa susunod na taon kaya naman ang ilang mga kakandidato ay naghahanap na ng mga artistang maaaring i endorso sila upang lumakas ang kanilang hatak.

Sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi ni Noel Ferrer ang naging encounter niya patungkol sa isang partylist na humingi ng tulong sa kaniya upang ma i endorso ang kanilang grupo ng mga alaga niyang artista.

“NAKAKAAWA NAMAN ANG ISANG PARTYLIST NA NAGHAHANAP NG ENDORSER NA CELEB/ARTISTA,” panimulang banat ni Noel Ferrer sa kaniyang Instagram post.

“ME: Tanong ko lang po – You want an artista / my talent to endorse you, what was your partylist’s position in the ABS-CBN FRANCHISE ISSUE,” tanong umano ni Noel sa naka- usap niya.

“Ayun na nga po, ‘yung dati naman pong Representative namin (who staunchly opposed the granting of the ABS-CBN franchise ha) ay tumatakbo na po sa ibang position ngayon. Iba naman na po ang nominee namin. Sana i-consider niyo naman po, and see who among your talents can endorse us, and give us the chance na makabawi naman sa inyo,” sagot ng kausap ni Noel.

“Salamat na lang po!,” mabilis na tugon umano ni Noel Ferrer sa kaniyang naka-usap.

Wala mang pangalang nabanggit si Noel sa kaniyang Instagram post ay marami ang nagkumento at humula na ang tinutukoy ay si Mike Defensor na representative ng partylist na AnaKalusugan, na isa sa mga pangunahing representative na siyang kumitil sa prangkisa ng ABS-CBN.

Ngayon ay naghahangad si Mike Defensor at tatakbong Mayor sa Quezon City na siyang kakalabanin ang kasalukuyang Mayor na si Joy Belmonte.



Partylist na kabilang sa kumitil ng prangkisa ng ABS-CBN, sa kapamilya naghahanap ng endorsers!
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments