Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

KD Estrada na friendzone na ni Anji Salvacion, “there will never be a chance for us”

Tinapos na ni Anji ang anumang romantic relationship na inaasahan ni KD mula sa kaniya


Trending at usap-usapan ngayon sa social media ang episode ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 Celebrity Edition dahil sa madamdaming episode nito.

Sa episode na ito ay diretsahang kinausap ni Anji Salvacion ang dati ng kaibigan at kasamahan sa ASAP na si KD Estrada patungkol sa estado ng kanilang pagkakaibigan.

Ilang linggo na rin kasing namamalagi ang mga ito sa loob ng bahay ni kuya at kapansin pansin ang pagiging malapit ni KD sa kaniyang kaibigang si Anji.


Sa pagiging malapit nila sa isa’t-isa ay kapansin pansin pa rin ang tila pagiging iwas at pagiging limitado ng paglapit ni Anji kay KD bagay na ikinahingi niya ng payo sa co-housemate niya na si TJ kung saan umabot siya sa desisyon na ipaliwanag ang tunay na estado ng relasyon nila ni KD.

Bago ang desisyong ito ni Anji ay nagkaroon pa sila ng kaunting pag-aasaran o pagkukulitan at makikita ang pagiging masaya nila sa isa’t-isa.

Kinausap ni Anji ng masinsinan si KD at dito ay diretsahan niyang sinabi ang saloobin niya at sinasabing hanggang sa kaibigan lamang ang maibibigay niya kay KD.

“Alam mo, nararamdaman ko na may gusto ka pa rin sa akin. I really do like you as a friend but not in the kind of ‘thing.’ Sa totoo lang gusto ko maglagay ng hangganan.

“There will never be a chance for us to have a romantic relationship,” paglilinaw ni Anji kay KD kung saan makikita sa mukha ni KD ang kalungkutan ng marinig ito.

Bago pa man ang sandaling ito ay pinaramdam na ni Anji kay KD na hanggang kaibigan lamang talaga sila ngunit paglilinaw ni KD na “You can’t lose feelings immediately…”.

Bagay na sinagot ni Anji ng, “You have to move on”. At sa puntong ito ay humingi na ng sorry si KD kay Anji dahil sa tila naiiipit ito sa sitwasyong ayaw niya.

“I want to move on… Sorry kung nasasaktan ka rin sa sakit na nararanasan ko… Thank you for giving me love. At least, I know how it felt for someone to accept me,” sabi ni KD.

Matatandaan pa nga na nitong nagdaang nominasyon lamang ay binigyan ni Anji ng 2points to nominate si KD dahil sa hindi na nito nagugustuhan ang sitwasyon nilang dalawa ni KD.



KD Estrada na friendzone na ni Anji Salvacion, “there will never be a chance for us”
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments