Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Cristy Fermin muling binanatan si Nadine, “hindi ko siya pinapanood”

Muling binanatan ni Cristy Fermin si Nadine Lustre


Trending at usap-usapan muli ngayon sina Cristy Fermin at Nadine Lustre matapos na magbigay kumento muli si Cristy Fermin patungkol kay Nadine Lustre.

Matatandaang nitong mga nagdaang mga buwan ay hindi naging maganda ang relasyon ni Nadine Lustre sa kaniyang talent agency na Viva Entertainment.

Nauwi pa nga sa pagdedemandahan ang magkabilang kampo kung saan iniutos ng korte na sundin ni Nadine Lustre ang mga nakasaad sa kaniyang kontrata sa Viva Entertainment.


Matapos ang ilang buwan mula ng lumabas ang naturang desisyon ng korte ay handa na si Nadine Lustre na gumawa ng proyekto para sa Viva Entertainment at sa kaniyang pagbabalik ay makakatambal niya sa isang proyekto ang isa pang Viva artist na si Diego Loyzaga.

Napag-usapan nga ito ng beteranong showbiz columnist na si Cristy Fermin at ng co-host niyang si Romel Chikka sa kanilang radio program na Cristy Ferminute.

Ayon sa dalawa ay marami umanong fans ni Nadine ang nagagalit at hindi gusto na makapareha ni Nadine Lustre si Diego Loyzaga.

“Nagsasagutan ang mga fanney niya at ang mga hindi fanney. Pinag-awayan talaga. Bakit raw si Diego ang ipininareho sa kanya?” pagsisimula ni Romel.

“Hoy! Ang galing galing kayang artista ni Diego Loyzaga. Baka siya ang hindi makapantay at makasabay,” agad na sinabi ni Cristy na ipinagtanggol si Diego mula sa mga supporters ni Nadine.

“Ayoko pong magsinungaling. Papano ko naman huhusgahan ‘yung acting ni Nadine Lustre, hindi ko naman siya pinapanood at hindi ko siya napapanood at wala akong planong panoorin siya dahil wala naman siyang teleserye ngayon, di ba?” agad na sabi ni Cristy.

“Sabi nga ng mga hindi niya fans, ‘Mag-workshop ka muna bago ka humarap sa mga camera’. Di ba may mga ganon?,” dugtong pa miya.

Sabi naman ni Rommel na ibinibida raw ng kampo ni Nadine ang mga acting awards nito gaya na lamang ang ‘best actress’ award niya mula sa Gawad Urian.

“Sabagay. Siguro kung mapapanood rin natin si Nadine, baka naman makita rin natin na may itinatago naman siyang galing sa pag-arte,” ani pa ni Cristy ay dinugtong na kahit pa best actress siya ay, “Eh hindi nga namin napapanood e.”



Cristy Fermin muling binanatan si Nadine, “hindi ko siya pinapanood”
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments