Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Joshua at Charlie, maaari nga bang magkaroon ng ‘Viral Scandal’ issue?

Ano nga ba ang mga bagay na magagawa nina Joshua at Charlie na maaaring maging Viral Scandal?


Sa ginanap na mediacon ng upcoming kapamilya teleseryeng ‘Viral Scandal’ ay naka-usap ng mga press ang mga pangunahing bida nito.

Sina Joshua Garcia at Charlie Dizon at dito ay inamin ng dalawa na labis na nag-iingat sila sa pagpo post sa kani kanilang mga social media accounts.

Pag-amin naman ni Charlie na mula pa noon ay hindi naman siya ma social media, ngunit kapag kinakailangan ay handa naman itong magsalita.


“Ako po ever since talaga hindi ako magamit ng social media, ever since rin hindi ako ma-share ng opinions sa social media pero if I know na totoo at alam na alam ko ang sitwasyon magsasalita ako,” saad ni Charlie tsaka naman sumagot si Joshua na sinang-yunan ang sinabi ni Charlie.

“Good thing about me is hindi rin ako mahilig mag social media. Iyon ang maganda rin sa akin na medyo aware at medyo wild ang social media at wild ang mga tao doon.

“So far mas marami namang nagba-viral na good news about so far and grateful ako na ganu’n ang lumalabas sa akin. Kung masama ang lumabas ang pangit na. Especially sa aming mga artists dagdag hatak din iyon sa mga manonood sa ‘yo, di ba?,” pahayag ni Joshua.

Samantala itinanong naman ng media lalo pa’t kapareho sa serye nila ay ano ang gagawin nila kung magkataong magkaroon din sila ng scandalous issue na nag viral.

“Una sana po hindi mangyari ‘yun, pero siguro kung mapunta man ako sa ganu’n sitwasyon siguro doon ko na rin po malalaman kung ang gagawin ko kasi depende po sa bigat ng sitwasyon pero kung alam kong kaya kong sagutin agad at alam kong ang totoo, siguro magsasalita rin po ako para i-explain ang side ko,” sagot ni Charlie.

Alam naman na rin ng lahat na kapag nagkaroon ka ng viral issue na hindi gusto ng netizens at paniguradong maka cancel na sila ng netizens at katakot takot na bash ang matatanggap nila, kaya naman natanong sila ng mga bagay na sa tingin nilang maka cancel sila kapag nagawa nila.

“Siguro ‘yung gagawa ako ng hindi nila (netizens) magugustuhan for example maging racist. Wala akong maisip (na gagawin), pero siguro maka-kansela lang ako kapag may gagawin akong masama na tipong maba-bother na bakit ginawa ko ‘yun,” sagot ni Joshua.

“Siguro po pag may nasabi akong hindi maganda kasi ang bilis kong mag-isip tapos nasabi ko bigla, parang ganu’n. Siguro po ‘yun ang iiwasan ko na may ma-offend tapos nabastusan sa akin. Wala po akong maisip na scandal talaga,” mabilis na sagot naman ni Charlie.

Mapapanood na ang ‘Viral Scandal’ ngayong November 15, 9:20PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel, TV5 at iWant TFC.



Joshua at Charlie, maaari nga bang magkaroon ng ‘Viral Scandal’ issue?
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments