Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Derek Ramsey ikinasal na kay Ellen Adarna,tinawag na itong: “My Dear Wife”

Ellen Adarna at Derek Ramsey nagbahagi ng iba’t-ibang litrato mula sa kanilang kasal


Usap-usapan ngayon ang mga litratong ibinabahagi ng bagong kasal na sina Ellen Adarna at Derek Ramsey sa kani-kanilang Instagram accounts.

Sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi ni Ellen Adarna ang kaniyang mga litrato suot ang magagarang gown, na maaaring isinuot niya sa kanilang kasal.

Sa latest photo pa na ibinahagi ni Ellen ay may caption pa ito na, “11.11 with you,” kung saan naka tag pa ang account ni Derek Ramsey.


Samantala sa isa sa mga post din na ito ni Ellen ay nagkumento pa si Derek Ramsey ng; “I’m so lucky, I can’t wait,” na pinahaba ang letrang o, tila kakikitaan talaga si Derek Ramsey ng kasayahan sa kumento niyang ito kaakibat pa ang mga congratulations comments ng ilang fans.

Samantala sa kaniyang IG account naman ay nagbahagi rin si Derek Ramsey ng kaniyang mga litrato kung saan litaw na litaw ang kasiyahan sa kaniyang mga ngiti.

Ibinahagi rin ni Derek ang ilang litrato kung saan kasama niya ang ilang mga kaibigan niya at dito ay pinasalamatan niya ang mga ito.

“Thank You boys for your friendship”, at “The Boys are in the house” mga caption ni Derek sa kaniyang Instagram post, king saan kasama pa ang kaniyang anak.

Sa isa sa mga post pa ni Derek ay ibinahagi niya ang sariling litrato habang hawak ang isang baso ng alak at dito ay tinawag niyang Wife na si Ellen Adarna.

“Cheers to my beautiful future. I love you my dear wife,” caption ni Derek at naka tag pa ang instagram account ni Ellen Adarna.

Matatandaang nitong taon lamang ng ianunsyo ng dalawa ang kanilang relasyon at maka ilang beses na nilang sinabi na ending na raw nila ang isa’t-isa, at ngayon nga ay ikinasal na sila! Congratulations Mr and Mrs. Ramsey.

All photos credit to Ellen Adarna and Derek Ramsey Instagram account.



Derek Ramsey ikinasal na kay Ellen Adarna,tinawag na itong: “My Dear Wife”
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments