Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Amy Perez ini-intrigang lilipat na ng ibang network?, Nagsalita na!

Sinagot ni Tiyang Amy Perez ang intringang lilipat na ito ng ibang network kaya hindi ito kasalukuyang napapanood sa It’s Showtime


Sa pagkawala at hindi pagkaka renew ng prangkisa ng ABS-CBN nitong nakaraang taon ay nag sunod sunod ang retrenchment o tanggalan ng mga empleyado nito.

Mula sa mahigit sa 11,000 employees ng pinaka malaking TV Station ng bansa ay kinailangan nilang pakawalan ang mahigit sa anim na libo rito.

At hindi lamang ang mga empleyado na nasa likod ng kamera, kundi maging ang ilang naglalakihang artista ng Kapamilya Network ay kinailangang pakawalan upang maging stable ang lahat.


Kaya naman kabi kabila ang paglilipat ng ilang kilalang personalidad sa ibang estasyon kagaya na lamang sa GMA7 at TV5, dawit hindi lamang ang nga artistang bumibida sa mga teleseryes ar pelikula kundi maging ang ilang malalaking newscaster personality ng ABS-CBN.

Ang It’s Showtime host at DZMM Anchor din na si Tiyang Amy Perez ay kabilang sa pinakabagong nai-intrigang maglilipat na ng ibang estasyon.

Mag iilang linggo na rin kasing hindi ito napapanood sa kaniyang mga programa partikular na ang masayang noontime show ng bayan na It’s Showtime.

Lumabas kamakailan ang chika na maglilipat na nga raw ito ng ibang estasyon at ang kasalukuyang guest co-host ng It’s Showtime na si Ogie Alcasid ang papalit sa kaniya.

Ngunit sa latest update ng Showbiz columnist na si Jun Lanin ay naka usap nito si Tiyang Amy at nilinaw na nagbabakasyon lamang ito sa ngayon at walang balak lumipat ng ibang estasyon.

Pinabulaanan din ni Tiyang Amy na mayroon itong sakit sa kasalukuyan kaya naman naiisipan nitong magbakasyon upang magpa-galing.

“Nag-leave lang ako. Family time lang muna, No, just to rest. Part of my menopause. More on due to pandemic at menopause nga ‘yung pagli-leave ko.

“Need to take care of mental health also,” diretsong sagot ni Tiyang Amy kung lilipat ba ito ng ibang network at kung may iniinda nga ba siyang sakit.

Samantala nagpasalamat naman ito sa mga patuloy na sumusuporta, naghahanap at nag-aalala sa kaniya, “Thank you very much for the love and support. I appreciate you all and I will see you soon,” ani ni Tiyang Amy.

Ibinunyag na rin niya na magbabalik na siya sa trabaho lalo na ang na miss niyang masayang pamilya sa It’s Showtime ngayong darating na November 15.



Amy Perez ini-intrigang lilipat na ng ibang network?, Nagsalita na!
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments