Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Natalong ReiNanay contestant inaway ang winner at It’s Showtime Staff

Ibinahagi ng nanalong ReiNanay na binash siya ng natalo niyang contestant


Tila hindi naging masaya at nagalit pa ang isang contestant ng hit It’s Showtime segment na ReiNanay dahil sa mga masasakit na sinabi nito.

Sa episode ngayon (November 12) ay ginanap ang weely finals ng ReiNanay kung saan muling nagpasiklaban ang monday to friday winners upang makilala ang nag stand-out sa kanila.

Sa pagbabalik ni ReiNanay Arlene Marcelino upang makalaban ang ibang winners ay ibinahagi ni Vice Ganda na nagalit daw pala ang nakatunggali niya sa daily.


“Uy nung nanalo ka nag reklamo yung isang contestant,” pambungad ni Vice kay nanay Arlene na sumagot naman ng, “Ay oo meme Vice” at ditoay ibinahagi niya ang naging karanasan niya matapos na i bash umano siya nito sa kaniyang facebook account kabilang na ang sa anak din niya.

“Meme Vice inano niya ako sa facebook, pati sa facebook ng anak ko.. binash niya ako.. minura kami,” pagsisimulang kwento ni ReiNanay Arlene.

“Pero ako meme Vice sinabi ko lang sa kaniya.. hindi na po ako magbabanggit ng pangalan, sabi ko lang (sa kaniya), alam mo mommy magdasal ka po.. kasi po maliliwanagan yung isip mo.

“Yun lang po yung sinabi ko sa kaniya, na para matanggap mo na, na hindi ka pinalad.. baka merong gawin ang diyos na bagay na mas maganda para sa’yo,” paliwanag ni nanay Arlene.

“Oo may mga ganun talaga, na hindi natatanggap ang pagkakatalo,” pag sang ayon naman ni Vice Ganda sa mga isiniwalat na ito ni reinanay Arlene.

“Pati po anak ko binash din,” dagdag pa ni reinanay Arlene at sinagot ni Vice ng, “Pati anak mo dinamay?, my God ang bad naman nun, bakit kailangang ganunin yung anak ng nakalaban”.

“Wala namang kinalaman yung bata,” ani naman ni Vhong matapos na malaman ito.

Matapos nito ay ibinahagi pa ni Vice na tinext umano nito ang mga staff ng show at sinabihang ABIAS-CBN umano ang kapamilya network.

“Matapos niyang sabihing dream niyang maging showtime host ha.. sabi niya dream niya raw na maging showtime host nung ini-interview namin, tapos nung natalo siya nag text siya ng abias-cbn,” dugtong naman ni Vice.

“Nako dapat tumatanggap siya ng pagkatalo,” ani naman ni Vhong.

Pinayuhan na lamang nina Ogie, Vice at Vhong na wag na lamang bumaba sa level niya, wag nang patulan ito at maging better person na lamang.



Natalong ReiNanay contestant inaway ang winner at It’s Showtime Staff
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments