Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Kim Atienza ipinaliwanag ang kaniyang kumento, “I love my showtime family”

Ipinaliwanag ni Kuya Kim Atienza ang naging kumento niya patungkol sa pag alis ni John Prats bilang direktor ng It’s Showtime


Nitong nagdaang araw lamang ay naging usap-usapan ang tila malamang kumento ni Kuya Kim Atienza patungkol kay John Prats.

Nagkumento kasi si Kuya Kim patungkol sa pagiging isa na sa mga direktor ng hit teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano ni John Prats bukod sa pagiging bida rin dito.

“Nothing is an accident mars Camille. Galing ni Lord no? Iniwas siya sa sakit ng ulo,” kumento ni Kuya Kim sa isang shared post ni Camille Prats na kapatid ni John Prats.


Umani ng negatibong kumento mula sa kaniyang fans at maging sa kapamilya fans na rin ang naturang kumento ni Kuya Kim dahil sa tila pagpapasaring at pagpapatama umano nito sa dati niyang mga kasamahan sa hit noontime show ng kapamilya na ‘It’s Showtime’.

Pinuna ng fans ang di-umano’y pagpaparinig ni Kuya Kim sa kaniyang mga kasamahan sa It’s Showtime na sinasabi niyang mga sakit daw sa ulo.

May isang netizen pa na nagkumento at inihalintulad siya sa dating direktor ng show na kamakailan lamang ay tinirada ang showtime family sa mga parinig nito.

“Sakit ng ulo? Deritsahin muna kaya mention yan kuya kim parang my something ang lalim ng salita mo eh… Parang katulad Kadin Po Nung isang director na umalis Ng showtime kukuda na pag Wala na sa show Nila backstabber Kadin koloka,” sabi ng netizens.

Ngunit sa pinadalhan kami ng mensahe ni Kuya Kim at ipinaliwanag niyang hindi niya intensyon na paringan ang Showtime family, ang pinatutungkulan umano niya ay ang sakit sa ulo bilang isang noontime show director.

“Hi guys I didn’t mean anything personal with what I commented. Being a friend of Direk Bobet, I know how difficult it is to direct a live show like showtime,” pagsisimula ni Kuya Kim.

Ipinaliwanag nito na ang tinutukoy niya ay ang mga sakit sa ulo ng pagiging isang direktor ng isang live show, kabilang na dito ang live audience feedback at ang multi tasking with a skeleton crew.

“Masakit talaga sa ulo, so many factors like live audience feedback, multitasking w a skeleton crew etc. I love my showtime family and will never say anything bad about them.

“I edited na my comment on camille’s page because it’s causing shade. walang shade yun guys. Mahirap talaga to direct ang it’s showtime,” ani ni Kuya Kim.



Kim Atienza ipinaliwanag ang kaniyang kumento, “I love my showtime family”
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments