Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Kim Atienza nagkumento patungkol kay John Prats, pinaringgan ang It’s Showtime?

It’s Showtime nga ba ang siyang pinaparinggan ni Kuya Kim sa kumento niya patungkol kay John Prats?


Usap-usapan ngayon sa social media ang tila pagpaparinig umano ang kapuso na ngayong si Kuya Kim Atienza sa kapamilya noontime show It’s Showtime.

Ibinahagi ni Camille Prats ang post ng kapatid niyang si John Pratts kung saan masayang ibinahagi ni John ang magandang pangyayari sa career niya.

“This is Big! Never ko naimagine sa tanang buhay ko na mapabilang kasama ang mga mahuhusay na Director ng ABS-CBN. Thank you Lord God. Salamat Direk CM sa tiwala at sa pag gabay.


“Thank you Tita Cory , Direk Lauren and Sir Deo and sa @dreamscapeph family for this opportunity na habang buhay kong ipagpapasalamat. And just WOW! Mega star is in the house!!! This is really BIG! Probinsyano never stops!!! 6 years and counting. To God be the Glory. Napakalaki ng Cast! Nakakalula, ngayon lang ata ako naka experience na maging bahagi ng isang programa na napakaraming Bituin! Enjoy mga Kapamilya,” post ni John.

Ipinagmalaki nga ni Camille ang akniyang kuya John sa pamamagitan ng pagbabahagi ng naturang post na may caption pa na, “Kuya ko yaaaan!”.

Ngunit ang tunay na nakapukaw sa paningin ng netizens ay ang matalinhagang kumento ng dating kapamilya personality na si Kuya Kim Atienza.

“Nothing is an accident mars Camille. Galing ni Lord no? Iniwas siya sa sakit ng ulo,” kumento ni Kuya Kim sa shared post ni Camille Prats.

Agad na napansin ng netizens ang sinabi ni Kuya Kim na “Iniwas siya sa sakit ng ulo”, na ipinagdugtong dugtong ng netizens sa mga nakaraang pangyayari.

Matatandaan kasing naging pansamantalang direktor ng It’s Showtime si John Prats partikular na sa hit segment ngayon na ‘Reyna ng Tahanan’.

Ngunit dahil sa bukod sa bahagi siya ng serye ay isa na rin siyang direktor ng pambansang teleseryeng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ ay kinakailangan niyang mas mag full time dito at bitawan ang It’s Showtime.

Nag reply tuloy ang ilang netizens at sinabihan si Kuya Kim na diretsahin niya ang pinatutungkulan niya at huwag idaan sa pagpaparinig lamang.

“Sakit ng ulo? Deritsahin muna kaya mention yan kuya kim parang my something ang lalim ng salita mo eh,” sabi ng isang netizen.

“Parang katulad Kadin Po Nung isang director na umalis Ng showtime kukuda na pag Wala na sa show Nila backstabber Kadin koloka! Lalaos Kadin back to you thank you,” sabi naman ng isa pa.



Kim Atienza nagkumento patungkol kay John Prats, pinaringgan ang It’s Showtime?
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments