Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Paulo Avelino inaming nag date sila noon ni Janine, “lumabas kami dati..”

Ibinunyag ni Paulo Avelino na bago pa man sila nagkasama ni Janine sa teleserye ngayon ay nag-date na pala silang dalawa


Sa pagpasok sa season two ng hit series na Marry Me, Marry You ay nakapanayam ng media/press ang mga pangunahing artista nito partikular na nina Paulo at Janine.

Dito ay naibahagi ni Paulo Avelino ang kagalakan dahil sa magandang pagtanggap ng viewers sa tambalan nila ngayon ni Janine Gutierrez.

Labis itong nagpapasalamat sa sumusuporta sa tila nga raw pagiging loveteam na nila ni Janine na noong una ay hindi naman niya ine expect na mangyayari.


“I didn’t expect it like the Kathniels or the Lizquens. Pero parang I was expecting something for the show or because of the show or what they watched. I didn’t expect na ganito kagrabe yung sumusuporta sa love team ika nga. I’m thankful because it goes to show that the chemistry worked and the show is working,” ani Paulo.

Naikuwento rin ni Paulo ang pagsasama nila noon ni Janine bago pa man magsimula ang pandemya at itong teleserye nila sa isang pelikula.

“Si Janine actually nung pelikula hindi naman kasi rin naka lock-in kasi pre-pandemic shoot yun. Siyempre pagdating namin ng set puro trabaho din kagad.

“Pero dito kasi dahil may mga oras in between, may mga rest day kami, nakakapag-usap kami, nakakapag-kuwentuhan kami, nakakakain kami sabay sabay. Parang mas nakikilala mo din hindi lang si Janine kundi pati yung personalities ng buong cast and masaya.

“Janine just keeps getting better and better. She adapts sa kung anong role ibigay sa kanya and I’m proud of her,” mahabang paliwanag ni Paulo.

Natanong din ng media na kung saka-sakaling single sila pareho ni Janine ay may pagkakataon nga bang magkaligawan sila at mauwi sa totohanan ang loveteam nila.

Dito ay sinagot ito ni Paulo at ibinunyag pa na noon pala ay nagka-date na sila ng dalawa beses na itinanggi raw ni Janine noon at sinabing nag hang out lamang sila.

“Ako no questions asked. Alam ko itatanggi na naman ako ni Janine, lumabas kami dati hindi lang natuloy. Kung mangyayari itong pagkakataon na ito na single siya at single ako then okay.

“Kasi sinabi ko nag-date kami ni Janine dati tapos sabi niya, ‘Hindi ah, nag-hang out lang tayo’ so parang nasaktan ako kasi hang out lang pala yung dalawang beses tayo lumabas,” biro ni Paulo.



Paulo Avelino inaming nag date sila noon ni Janine, “lumabas kami dati..”
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments