Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Lolit Solis nagbahagi ng opinyon sa kasalang Derek at Ellen, “Sana naman…”

Binati ni Lolit Solis ang bagong kasal na sina Derek at Ellen kasabay ang isang hiling nito para sa mag-asawa


Naging masaya nga ang marami matapos na ibahagi nina Derek Ramsey at Ellen Adarna ang magandang balita ng kanilang pagpapakasal.

Dinaluhan ito ng ilang malalapit na mga kapamilya, kamag-anak at mga kaibigan at sa mga litrato at video na kani-kanilang ibinahagi ay tunay na kasiyahan ang nangibabaw sa lahat.

“Last night, I married the man of my dreams, affirmations and prayers,” maikli at sweet message ni Ellen sa kaniyang Instagram isang araw makalipas ang kanilang kasal.


“This is just the beginning” at “Waking up to this beautiful woman every morning is such a blessing. I love you Mrs Ramsay,” litanya naman ni Derek isang araw matapos ang kanilang kasal na napuno ng masayang pagbati sa kani-kanilang Instagram account mula sa mga kaibigan at mga tagahanga.

Samantala hindi naman magpapatalo sa kaniyang mensahe ang showbiz columnist na si Lolit Solis, sa kaniya ngang Instagram account ay binati nito ang bagong kasal.

Pinuri nito ang kagandahan ni Ellen Adarna na litaw na litaw umano sa maraming gowns na ipinagawa nito, maging ang pagiging present ng kani-kaniyang mga anak ay ikinasaya nito.

“Bongga si Ellen Adarna, Salve. Ang dami pala niyang ipinagawang gown para sa kasal nila ni Derek Ramsay. Talagang pinaghandaan niya, at in fairness ang ganda niya sa mga photos na lumalabas.

“Ang romantic ng mga shots sa ginanap na kasalan nila, plus ang ganda din tignan na kasama sa wedding ang 2 nilang anak na lalaki, pati ang favorite pet nilang dog,nag march ha. Cute iyon privacy na ginawa nila para sa kasal nila,” ani ni Lolit.

Mabuti raw at ginalang ng marami ang naging desisyon ng dalawa na maging solemn at intimate ang kanilang naging kasal, na naging tago ang mga pangyayari.

Hiniling naman ni Lolit na sana ang pagka-kasal na ito nina Ellen at Derek ay maging simula na ng masaya at tahimik na buhay ng dalawa kasama ang kanilang mga anak na isang buong pamilya na.

“Talagang naging solemn at intimate lalo pa nga at medyo tago ang lugar. Iginalang naman ng lahat ang gusto ng dalawa, itinago ang araw at location ng kasal. Now, husband and wife na sila Derek Ramsay at Ellen Adarna.

“Sana naman start na ito ng mas maganda at tahimik na buhay para kay Derek at Ellen. At ang dalawa nilang anak na ngayon ay kumpleto na ang pamilya. Bongga! Start of new life , a better happier life. Congrats!,” buong pahayag ni Lolit.



Lolit Solis nagbahagi ng opinyon sa kasalang Derek at Ellen, “Sana naman…”
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments