Labis na nagpasalamat si Albie Casiño sa lahat ng sumuporta sa journey niya sa loob ng bahay ni Kuya
Nitong nagdaang sabado lamang ay hindi inaasahan ng nakararami ang pagkakatanggal ni Albie Casiño sa kompetisyon sa Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.
Mahigit sa 2% lamang ang pagitan ng boto ni Albie sa 3rd place na si Anji na sa unang update noong Saturday show ay siya ang nagunguna ngunit ilang minuto bago magsara ang botohan ay naihabol ng Anji fans ang botohan.
Dahil sa pangyayaring ito ay si Albie Casiño nga ang ikalawang celebrity housemate ang siyang natanggal sa kompetisyon para sa Celebrity Edition ng PBB.
Gayunpaman ang nangyari ay pinatunayan ng fans kung gaano nila tunay na sinuportahan si Albie Casiño dahil sa record breaking nitong BB Save votes na siyang pinakamataas magmula ng magsimula ang botohan pagdating sa Kumu, patunay ngang marami ang siyang nagmamahal sa kaniya.

Sa pagpasok ni Albie sa bahay ni kuya ay nagkaroon ng ilang mga tensyon sa pagitan niya at sa ilang mga housemates partikular na ng kaibigang si Alexa Ilacad.
Matapos naman ang hindi nila pagkaka-unawaan ay lalong napamahal ang fans kay Albie matapos na mapagtanto nito ang pagkakamali at nakipag-ayos sa dati ng kaibigang si Alexa at maging sa ilang housemates.
Sa paglabas nga niya sa bahay ni Kuya ay marami ang nalungkot sa pangyayaring ito lalo pa’t hindi na muling mapapanood si Albie sa loob ng bahay ni Kuya.
Kaya naman sa kaniyang Instagram account ay nagbahagi si Albie ng kaniyang mensahe sa mga tagasuporta niya at labis itong nagpasalamat sa suportang natanggap niya sa maikling panahong pananatili niya sa bahay ni Kuya.

Sa maikling video nga na ibinahagi niya ay nagpasalamat siya sa lahat ng sumuporta sa kaniya at sa opportunity na mapabilang sa housemates ni kuya.
Ani ng aktor, “Maraming maraming salamat sa lahat ng mga sumuporta. So, ayun na nga, wala na ako sa bahay ni Kuya. Pero I’m still so thankful for the opportunity”
“Thank you guys! I’m filled with so much emotions right now, I’m happy to be out but I’m sad cuz I miss my housemates!
“My pbb journey was short but sweet, i just wanna thank all my supporters mahal na mahal ko kayo lahat I really feel the love! We moving on to bigger and better things guys so hop on the bandwagon habang may space pa!,” ani ni Albie sa caption ng IG video post niya.
Albie Casiño nagsalita na sa pagiging evicted niya sa Pinoy Big Brother Kumunity
Source: Babaero Balita

0 Comments