Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Mag-asawang Angel Locsin at Neil Arce nagpa-Squid Game Halloween party

Masayang ibinahagi ni Angel Locsin ang naging Halooween party nilang mag-asawa kasama ang mga kaibigan na ala Squid Game


Dahil sa Squid Game fever ngayon sa bansa ay naisipan ng mag-asawang sina Angel Locsin at Neil Arce na ito ang maging theme para sa kanilang Halloween party.

Sa kanilang Instagram account ay ibinahagi ng mag-asawa ang ilang mga litrato mula sa isang bahagi ng kanilang bahay na trinansfrom nila into Squid Game inspired room.

Sa nasabing post ay makikitang tila isinabuhay talaga nila ang naturang hit show kung saan narorooon din ang giant doll at ang ilang statue rin na kabilang pa sa show.


At kumpleto pa sa costume ang mag-asawa na gayang gaya sa Squid Game show, “Who wants to play a game? Hindi man tayo makalabas, we won’t let this pandemic dampen our halloween spirit. See you tomorrow for our squid game halloween themed special on @theangelandneilchannel!,” caption pa ni Angel sa post niya.

Pinusuan at umani nga ng positibong kumento ang naturang post ni Angel, marami ang natuwa sa talaga namang nakakatuwang post niyang ito.

Samantala kagaya nang inanunsyo niya ay ibinahagi nila ang naging kaganapan sa kanilang party sa YouTube channel nilang mag-asawa.

Dito ay ibinahagi ni Angel na naging tradisyon na ang pagge-get together nila ng kanyang mga kaibigan tuwing sasapit ang Undas.

Ibinahagi pa ni Angel na noong bata pa lamang siya ay taun-taon na silang tumutungo sa sementeryo upang dumalaw sa puntod ng mga kamag-anak nilang yumao na.

Nang nagdalaga na siya ay nadagdag sa kanilang tradisyon ang pagkakaroon ng Halloween Party tuwing All saints day sa kanilang bahay na naging taunang gawain na nilang magkakaibigan.

Dagdag pa ni Angel na ang isa sa gustong gusto niya na bahagi ng kanilang Halloween party ay ang pagsasama sama nilang pamilya at kaibigan kung saan suot ang mga costumes nila.

“One of the things I like the most is that the community dresses in ridiculous costumes. Tapos no judgment. Kahit may budget ka o wala kang budget. Tumodo ka o hindi, accepted ka,” ani Angel.

Sa part two ng vlog nilang mag asawa mapapanood ang naging masayang laro nila Angel at mhga kaibigan nito na hinago rin mula sa Squid Game.



Mag-asawang Angel Locsin at Neil Arce nagpa-Squid Game Halloween party
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments