Nagbahagi ng kaniyang mensahe si Anne Curtis patungkol sa 12th anniversary ng It’s Showtime
Ngayong araw October 24 ay ginugunita ng kapamilya viewers ang 12th Anniversary ng paborito ng marami na noontime show na ‘It’s Showtime’.
At sa masayang okasyon na ito ay nagbahagi ng kaniyang mensahe ang isa sa mga main host nito na si Anne Curtis sa kaniyang Instagram account.
Sa mensaheng ito ay ibinahagi ni Anne Curtis na sa kabila ng maraming pagbabago sa kanilang team ay nananatiling buo pa rin ang pagmamahalan nila para sa isa’t-isa.

“Happy 12th anniversary my showtime family. A lot of things have changed, but I know these things still remain – the love we have for one another, our madlang people and the goal to continue to make them happy.”
Dito ay isiniwalat din niya na miss na miss na niya ang It’s Showtime family niya kaya naman excited na siya sa kaniyang nalalapit na pagbabalik.

“Looking forward to when I can laugh so hard again like the last pic with you guys again! I miss you all sooooooo much!.”
At sa huli ay pinuri niya ang mga kasamahan niya sa naturang programa dahil sa kabila ng mga pangyayaring kinaharap ng show at nananatili pa rin silang matatag.

“I’d also like to take this opportunity to commend my brothers, sisters, of course Inay and the whole showtime family behind the camera who continue to work hard to put on an amazing show despite the challenges of the last few years.
“Thank you and I Love you guys!!!! Happy Anniversary @itsshowtimena. – while looking for all these pics, stumbled across some videos of us. Grabe noh. Riot and super laugh trip talaga tayo.

Matatandaang mahigit sa isa’t kalahating taon na rin mula ng pansamantalang umalis si Anne Curtis sa show para sa paghahanda niya sa kaniyang panganganak.
Nitong mga nagdaang mga buwan din ay sinabi na ni Anne Curtis na, nalalapit na ang kaniyang pagbabalik sa programa kasabay din nito ang pagbabalik trabaho niya sa teleserye at pelikula.
Anne Curtis naglabas ng mensahe para sa anniversary ng It’s Showtime
Source: Babaero Balita

0 Comments