Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Alex Gonzaga idinetalye ang pinagdaanang pagbubuntis, umaasang magka baby muli

Ibinahagi na ni Alex sa publiko ang napagdaanan niyang pagbubuntis at pagkakalaglag din nito


Sa kaniyang YouTube vlog ay ibinahagi na ni Alex Gonzaga ang kaniyang napagdaanang unang pagbubuntis sa kaniyang asawang si Mikee Morada.

Mapapanood sa nasabing vlog ang iba’t-ibang pangyayari mula sa punto ng malaman nilang nagdadalang tao siya hanggang sa makunan ito.

Sa pagsisimula ng vlog ay ibinahagi ni Alex na unang beses nilang nalaman na nagdadalang tao siya noong nasa batangas sila at nakakaramdam siya ng major cramps.


Nasa isang resort sila ng una nila itong malaman, “So we will both have this memory forever,” ang simulang pahayag ni Alex sa vlog. “I was having major cramps too, but my period never came,” sey pa ng TV host at vlogger. Pag-uwi nila ng bahay ay agad siyang nag-pregnancy test sabay sigaw ng, “Tatay ka na Mikee!” 

“Although we were advised by our doctor not to announce it yet until the end of the 3rd trimester. But we were excited talaga!,” dugtong ni Alex na sa kabila nga ng payo ng doctor ay ipinamalita na niya agad ito sa kaniyang pamilya.

“The next day we went straight to the doctor because a week before I was having major cramps nga. My doctor told me that we have to wait another two weeks for another ultrasound session. 

“But she said that I am most likely three weeks pregnant and will be experiencing a lot of morning sickness. I haven’t told anyone from my work except for my boss. Pero may kutob na sila,” aniya pa.

“Before our second ultrasound, Mikee wanted to take another pregnancy test to confirm. Excited talaga siya!. After two weeks, there was a gestational sac but there’s no embryo inside. We went straight to our doctor. She told us to wait another two weeks to see if our pregnancy will develop,” dugtong ni Alex.

Matapos nga ang dalawang linggo pa ay napag-alaman na nilang may problema ang kaniyang pagdadalang tao, We found out that there is no development. There is no embryo.

“Kapag naalala ko lang yung moment na sinabi na ng doctor na parang yun nga, hinimas niya yung legs ko, kaya alam ko na may something. I know that Mikee is waiting outside. Doon ako medyo nasa-sad kasi I know na hindi lang ako yung may gusto, lalong lalo na si Mikee,” ani pa ni Alex.

“Kaya namin ginagawa itong vlog na ito, it’s to show people na kaya and may pag-asa. And na normal siya nangyayari. Nag-research kasi talaga ako pagkatapos ng mga ultrasound. Hanggang sa huli (umaasa). Pero kung anong pinagkaloob sa ‘yo, tinatanggap namin. So far, okay naman kami,” sabi naman ni Mikee.

Matapos naman ang pagkakalaglag ng kanilang unang baby ay umaasa pa rin si Alex na darating ang tamang panahaon na bibiyayaan sila ng Diyos ng sariling anak.

“Every day, nagkakaroon kami lagi ng bigger hopes. Napapalitan ng saya ‘yung nararamdaman namin. 

“If ever man na kami ay ma-bless ulit na mabuntis or magkaroon ng another baby and maging successful, we might not tell you right away netizens. Baka magulat na lang kayo, may 18 years old na kami,” biro pa ni Alex.

“This first pregnancy we will never forget. This will always be a reminder that He blessed us and that His grace was with us, He comforted us,” dagdag pa nito.



Alex Gonzaga idinetalye ang pinagdaanang pagbubuntis, umaasang magka baby muli
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments