Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Aljur Abrenica nagsalita na muli!, ipinaliwanag ang kaniyang ‘Breaking Silence’ post

Ipinaliwanag na ni Aljur Abrenica ang dahilan kung siya nag post at saka dinelete ang kaniyang breaking silence hingil sa issue nila ni Kylie


Burado na ang ibinahaging post ni Aljur Abrenica sa kaniyang social media account sa facebook na tinatawag ng m,arami na ‘Breaking Silence’ post niya.

Sa naturang post ay ibinunyag ni Aljur na hindi umano siya ang sumira ng kanilang pamilya, bagkus ay si Kylie Padilla na ina ng mga anak nila ang una umanong nanloko.

Matapos ang naturang pag po post ni Aljur sa kaniyang facebook page ay nagsunod sunos na ang intriga ng netizens ukol sa katotohanan ng hiwalayan nila ni Kylie Padilla.


Maging ang ilang showbiz columnist pa nga na sina Lolit Solis at Cristy Fermin ay nadamay na matapos na kani kaniyang maglabas ng saloobin hingil sa kung ano nga ba ang katotohanan, na nauwi pa sa pagsasagutan nina Crity Fermin at Kylie Padilla.

Samantala sa isang recent press conference para sa recent movie ni Aljur Abrenica ay nagsalita na ito sa unang pagkakataon at ipinaliwanag ang naturang breaking silence post niya.

Paliwanag ni Aljur na hindi umano niya talaga intensyon na magsalita pa ukol dito ngunit dahil naiipit na ang ilang hindi naman dapat masaktan ay kinailangan niyang magsalita.

“It was not my intention na maglabas ng gano’ng post pero naramdaman ko talaga na kailangan. Ang sa akin, I think, nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin,” pagsisimula nito.

Ngunit aniya na baka huling beses na iyon na magsasalita siya ukol sa issue dahil pamilya pa rin niya ang nadadamay sa pangyayari.

“Baka kasi, hindi ko na siya gustong i-elaborate dahil pamilya ko pa rin sila. Nagpapasalamat ako sa inyo dahil alam ko naman kung bakit kayo nagtatanong at gano’n kaapektado ang mga tao dahil sinubaybayan niyo yung pagsasama namin ni Kylie.

Paliwanag pa ni Aljur na kahit ano pa ang mangyari ay minahal niya pa rin si Kylie, tinawag niya pa itong ‘Love of my life’ kaya naman gusto na niyang matahimik ang issue.

“And I can still say na she was the love of my life. Talagang minahal ko yung babaeng yon. I valued our family more than anything.

“So I was really affected no’ng nangyari yon. And [out of] respect, sana, di ba, pamilya ko pa rin sila. May pagkakamali rin ako. For the sake of our children… gusto ko lang matapos ‘to. Hanggang do’n na lang.

“She’s still the mother of our children. May pinagsamahan pa rin kami… Kung may tanong man kayo, that’s it! Napakinggan niyo na yung sinabi ko sa post na yon at lahat lumabas na. So hanggang do’n na lang. Sana, hinihingi ko po sa inyo, na para sa mga bata, at para sa pinagsamahan namin ni Kylie, nagpapasalamat kami sa inyo.”



Aljur Abrenica nagsalita na muli!, ipinaliwanag ang kaniyang ‘Breaking Silence’ post
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments