Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Lolit Solis ipinagtanggol si Cristy Fermin sa paglalabas ng saloobin ni Kylie Padilla?

Tila ipinagtanggol ni Lolit Solis ang kaibigang si Cristy Fermin laban sa sagot ni Kylie Padilla dito, kasabay ang pagpapaliwanag ng kaniyang opinyon


Tila tunay na magkaibigan nga ang dalawang batikang kolumnista na sina Lolit Solis at Cristy Fermin lalo na pagdating sa tunay na layunin ng bawat isa.

Sa kaniyang Instagram account kasi ay naglabas ng kaniyang saloobin si Lolit Solis hingil sa issue’ng namamagitan kina Cristy Fermin at Kylie Padilla.

Matatandaan kasing naglabas ng scoop si Cristy Fermin hingil sa kilala niyang source na nagsasabing may katawagang ibang lalaki si Kylie sa dis oras ng gabi.


Nanggalaiti naman at sinagot ni Kylie Padilla ang mga akusasyong iyon ni Cristy Fermin laban sa kaniya at sinabihan niya ito na tigilan siya sa mga paratang na ibinabato sa kaniya, sinabihan pa niya itong kung maninira na lamang ay tiyaking totoo ang mga inilalabas niyang balita.

Ani ni Lolit Solis na sigurado siyang maiintindihan ng kaniyang kaibigang si Cristy Fermin ang naituran ni Kylie laban sa kaniya at tinitiyak niyang nasabi lamang ni Kylie ito dahil sa galit.

“Sure ako na maiintindihan ni Cristy Fermin iyon outburst ng galit ni Kylie Padilla. Iyon parang sagot niya sa mga issue na inilalabas ni Aljur Abrenica,” panimula ni Lolit.

Sinabi rin nito na maaaring way lamang din ni Kylie ang pagsasabi ng ganun upang magbigay warning kay Aljur na tigilan na ang paglalabas ng kung ano tungkol sa naging relasyon nila.

“Parang paramdam din iyon kay Aljur na pag di ito tumigil, meron pa rin mga alas na ilalabas ito kung sakali. Pinaka masakit na bintang sa isang babae na may asawa iyon sinabi ni Aljur, na nag cheat si Kylie.

“Kaya siguro di narin napigilan si Kylie na sumagot , pero sure ako na ready din siya na magbigay paliwanag kay Cristy. Siyempre affected si Kylie, galit, pero alam niya na trabaho namin manunulat na hanapin kung ano ang tutoo.

“Kung sinulat man ang issue ni Aljur, bukas din ang radio at column ni Cristy para sa panig ni Kylie. Walang personalan sa mga issue, iyon kung ano lang makarating sa amin at gusto ipaliwanag.

“Kung gusto mo Kylie, bukas ang TIPM me Ganun, anytime for your story. Huwag mo isipin na meron kami kinakampihan. Mas gusto namin maging maligaya kayo kasama ng mga anak nyo, huwag padala sa init ng ulo. Cool lang. Pero para sa akin, mali ang mga salitang ginamit ni Aljur.

“Hindi bagay sa bihin sa asawa mo, kay Kylie. Pero kayo lang dalawa ang lulutas nito, at sana, gor the good of your kids. Peace !!,” buong pahayag ni Lolit.



Lolit Solis ipinagtanggol si Cristy Fermin sa paglalabas ng saloobin ni Kylie Padilla?
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments