Matapos humingi ng paumanhin ay nagpaalam na si AJ Raval sa kaniyang mga taga suporta at inaming bugbog na ang mental health niya
Mainit pa ring pinag-uusapan magpa sa hanggang ngayon ang patungkol sa issue ng totoong dahilan ng hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla.
Nitong nagdaang araw lamang nga ay isiniwalat ni Aljur Abrenica sa kaniyang facebook page na si Kylie Padilla umano ang unang nanloko sa kanilang relasyon na dahilan ng hiwalayan nila.
Sinagot naman ito ni Kylie at tila sinasabing si Aljur Abrenica ang siyang totoong may pagkakamali, “Never underestimate a man’s ability to make you feel guilty for his mistake.”
Samantala ibinahagi ni AJ Raval gamit ang facebbok page niya ang naging full statement ni Aljur Abrenica sa kaniya ring facebook account na tila sinasang-ayunan ang mga sinabi nito, hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na kasalukuyang dating o may relasyon na ang dalawa.

Matapos niyang ibahagi ang buong post na ito ni Aljur ay umani si AJ Raval ng iba’t-ibang reaksyon na karamihan pa nga’y negatibo at pamba bash sa kaniya.
Ani ng mga netizens ay sa kabila ng pagkakaroon niya ng relasyon kay Aljur Abrenica ay dapat na hindi na umano ito nakikisali sa away ng dalawang dating magkarelasyon.
Matapos nito sa isang tiktok video naman ay naglabas muli ng kaniyang pahayag si AJ Raval at humingi ito ng paumanhin lalo na kay Kylie Padilla patungkol sa pakikisali niya sa awayan nila ni Aljur.
“I’m really sorry sa lahat ng naapektuhan. And also kay Kylie, I’m really sorry kung shinare ko yung statement na yun. It’s not my intention to hurt anybody.

“I was just trying to protect myself. Kaya lang, mali yung way ko.”Pero na-realize ko rin na baka tama kayo. I’m too immature and I need to grow. I’m really sorry sa lahat ng naapektuhan, sa lahat ng nagalit. Sana mapatawad niyo ako,” ani AJ.
Nagpasalamat din ito sa mga supporters niya na kinu comfort at patuloy siyang sinusuportahan sa gitna ng mga issue na pinagdadaanan niya sa ngayon.
Sa huli ay sinabi ni AJ na bugbog na raw masyado ang mental health niya kaya naman naisipan na niyang mag social media detox.
“Ayoko na, gusto ko na lang po ng peace, sana matapos na ‘to bugbog na po talaga mental health ko di ko na kaya so mag so-social detox na muna ako, siguro next year na lang ako babalik sa social media,” dugtong pa ni AJ.
Matapos nito ay burado na nga lahat ng posts ni AJ sa kaniyang Instagram account.
Dahil sa labis na bashing na natatanggap, AJ Raval pahinga muna sa social media
Source: Babaero Balita

0 Comments