Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Kylie Padilla sinupalpal si Cristy Fermin sa mga sinasabi nito ukol sa kanya

Sinupalpal at sinagot ni Kylie Padilla si Cristy Fermin patungkol sa mga patutsada nito sa kaniya


Tila hindi na nakapag timpi pa ang actress na si Kylie Padilla sa pagsasalita laban sa batikang radio at kolumnistang si Cristy Fermin patungkol sa issue sa buhay niya.

Sa radio program kasi ni Cristy Fermin ay nagbahagi ito ng scoop kung saan sinasabi niyang si Kylie Padilla talaga umano ang siyang unang nanloko sa relasyon nila ni Aljur.

Ani pa ni Cristy na noong magkasama pa sila ni Aljur ay gabi gabi umanong may katawagan si Kylie na ibang lalaki, maging hanggang sa madaling araw.


Nakarating kay Kylie ang naturang pahayag ni Cristy Fermin at sa pamamagitan ng kaniyang facebook page ay naglabas ng kaniyang tila galit na galit na saloobin si Kylie laban sa mga patutsadang ibinabato sa kaniya ng kolumnistang si Cristy Fermin.

Ibinahagi ni Kylie ang isang article patungkol nga sa mga sinabi ni Cristy Fermin laban sa kaniya at dito ay nagbahagi siya ng kaniyang saloobin.

Sinabi ni Kylie na kilala umano niya ang source na sinasabi ni Cristy sa mga sinabi nito at pinagbantaan niyang itigil na ang pagkakalat nito at kung hindi ay magsasalita na siya.

“Hi Cristy Fermin. Alam ko kung sino source mo. Wag nyong hintayin magsalita ako tungkol sainyo. Nagtitimpi ako para sa mga anak ko,” pagsisimula ni Kylie.

Pagkatapos nito ay pinayuhan ni Kylie si Cristy na tignan muna ang mga sarili nilang pagkakamali bago sila maki alam o mang husga ng ibang tao.

“Tignan nyo mga mali nyo sa sarili nyo bago kayo manghusga ng ibang tao. Ano bang makukuha nyo sa pag sisira sakin? GROW UP. Ang tatanda nyo na,” dugtong pa ni Kylie.

Sa huli ay sinabi pa ni Kylie na kung maninira na lamang sana sila ay tiyakin nilang totoo ang mga ibabato nilang isyu laban sa kaniya.

“At sana kung sisiraan nyo ako totoo mga pinagsasabi nyo. Mahiya naman kayo sa mga sarili nyo,” panghuli banat ni Kylie Padilla laban kay Cristy Fermin.

Ngunit ilang minuto pa lamang ng ibahagi niya ito ay binura rin agad ni Kylie Padilla ang post niya sa kaniyang facebook page.

Ano kaya ang susunod na kabanata?



Kylie Padilla sinupalpal si Cristy Fermin sa mga sinasabi nito ukol sa kanya
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments