Pinasinungalingan ni Cristy Fermin ang mga pahayag ni Bobet Vidanes sa kaniyang programa sa TV5 patungkol sa pag alis niya sa It’s Showtime
Sa kaniyang radio program ay naglabas ng saloobin niya si Cristy Fermin hingil sa mga naging pahayag ni Bobet Vidanes nitong mga nagdaang mga araw.
Sa noontime show kasi ng TV5 na Lunch Out Loud ay umiiyak na sinabi ni Bobet Vidanes ang kaniyang dahilan kung bakit niya nilayasan ang It’s Showtime.
Ani ni Bobet na nagiging toxic na di-umano ang pananatili niya sa It’s Showtime, hindi na umano siya nasusunod sa programa at pinaratangan pa niya ang mga naging kasamahan na karamihan daw ay nagiging bossy.
Umiiyak ito ng ibinahagi niya sa kaniyang programa, hindi niya pinangalanan kung sino ang mga tinutukoy niyang nagiging bossy bossy na sa It’s Showtime, dagdag pa ni Bobet na dahil sa pagiging toxic ay hindi umano nakakaganda sa kalusugan niya na manatili pa sa show.

Hindi man pinangalanan ni Bobet ay haka haka ng mga netizens na sina Vice Ganda at Vhong Navarro ang pinatutungkulan niya lalo pa’t sila ang main host ng programa.
Wala namang binibitawang sagot pa ang kahit na sinong host o staff ng It’s Showtime sa mga paratang na ito ng dati nilang direktor na si Bobet Vidanes.
Samantala sa kaniya ngang radio show ay isiniwalat ni Cristy Fermin na sinungaling umano si Bobet Vidanes at sa katunayan ay ito raw ang toxic sa buong It’s Showtime family.
Isiniwalat ng batikang kolumnista na masyado raw masakit magsalita si Bobet Vidanes sa mga kasamahan nito sa It’s Showtime, mapa host man o staff.

“Ang bobo ni Vhong Navarro”, “Basura talaga ugali ni Bakla (Vice Ganda)”, “Ang bobobo talaga ng mga babaeng ‘to, magaling lang sumayaw” ito raw umano ang ilan sa mga salitang binibitawan noon ni Bobet sa mga kasamahan.
“’Yung mga sinasabi niya, siyempre nadidinig ng mga cameramen at saka nung floor direktor. Hindi lang siya nakakadinig nu’n,” sabi pa ni Cristy
“Hindi siya pupwedeng magsinungaling kasi ‘yung mga sinasabi niya habang nasa booth siya, nadidinig. Naka-headset ang mga floor director at cameramen.”
“Ito po, itinataya ko po ang pangalan ko dito. Kasi sa akin po nag-text ‘yung mga taong dati niyang kasama. At ito po ay paninindigan ng mga dati niyang kasamahan at paninindigan ko rin po ang sinulat ko ngayon sa PSN (Pilipino Star Ngayon),” diin pa ni Cristy na pinapanindigan ang kaniyang sinabi laban kay Bobet Vidanes.
Cristy fermin kay Bobet Vidanes: “Sinungalung, binabastos ang mga kasamahan sa Showtime”
Source: Babaero Balita

0 Comments