Ano kaya ang ilalabas na scoop ni Xian Gaza patungkol sa dating mag asawang sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla?
Kilala na nga ng netizens ang social media influencer at businessman na si Christian Albert Gaza bilang dakilang chismoso ng social media.
Ilang malalaking kwento na rin kasi ng showbiz, entertainment at social media ang siyang binibigyang opinyon nito at kadalasan pa nga’y siya ang naglalabas ng mga kwento patungkol dito.
Isa rin siya sa mga unang social media personalities ang siyang naglabas ng kwento ukol sa nagsisimula at papa usbong pa lamang na relasyon nina Aljur Abrenica at AJ Raval.
At nitong mga nagdaang mga buwan lamang ay siya rin ang siyang nagbahagi ng scoop kung saan sinasabi niyang ang hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla ay hindi umano third party sa part ng lalaki o ni Aljur Abrenica, hindi man niya tinukoy o nilinaw ay tila kumakabit ito sa pangyayari ngayon.

Inilabas nga ni Aljur Abrenica nitong nagdaang araw ang kaniyang open letter para sa dating asawang si Kylie Padilla at hinahamon niya itong ilabas ang katotohanan.
Tila sinasabi ni Aljur na ang totoong nagloko o sumira sa kanilang pamilya ay si Kylie Padilla, taliwas umano ang lahat ng iniisip ng netizens na siya ang nagloko.
Sa panibagong post naman ni Xian Gaza ay sinabi nitong dahil sa labis na pagmamahal ni Aljur kay AJ kaya ito nagsalita ngayon, “Okay lang kay lalaki na masira siya sa publiko upang maprotektahan niya ang imahe ni babae na siyang ina ng kanyang mga anak.
“Pero dahil mahal na mahal niya si young actress na wala naman talagang ginawang mali, kailangan na niyang magsalita at ilabas ang katotohanan. Ang malupit do’n, ako ang unang naglabas nito sa publiko… both issues. How? Paano? Simple lang… because my name is XIAN GAZA, ang pinaka-Marites na lalaki sa bansang Pilipinas,” pakli ni Xian.

Samantala tulad ng inaasahan ay pinanigan naman ni AJ Raval ang sinabi ni Aljur Abrenica sa pamamagitan ng pagbabahagi nito ng full statement ng ngayo’y karelasyon na niyang si Aljur.
Ilang oras naman matapos na ibahagi ni Aljur ang kaniyang statement ay tila nagparinig sa kaniya ang dating asawang si Kylie sa pamamagitan ng IG story na, “Never underestimate a man’s ability to make you feel guilty for his mistake.”
At sa gitna muli ng tila parinigang ito ay naglabas ng panibagong statement ang pambansang chismoso na si Xian Gaza na tatapos sa usap usapan ng mga marites.
“Magpaparinigan sa social media yung mag-asawa for the next 24 hours pero ako ang tatapos ng laban sa Huwebes,” ani ni Xian.
Ano nga kaya ang kahahantungan ng kwentong ito? May hula na ba kayo kung ano ang susunod na kabanata?

Xian Gaza, ibubulgar umano ang katotohanan sa hiwalayang Aljur at Kylie?
Source: Babaero Balita

0 Comments