Nilinaw ni Angeli ang tweet ng kaniyang asawang si Gary Valenciano patungkol sa major decision na gagawin nito
Sa kaniyang twitter account ay nagbahagi ang kapamilya singer na si Gary Valenciano ng isang tweet na pinag-usapan ng marami dahil sa nilalaman nito.
Hiningi ni Gary Valenciano ang dalangin ng kaniyang mga taga-sunod at sinabing kinakailangan niyang gumawa ng isang major decision na inaasahan niyang maging maganda ang resulta.
“Hi everyone. Just wanted to see how you’re all doing. Can I ask you say a prayer for me? Major decisions I need to make and I hope I make the one that is truly lead by the Spirit. Thanks my friend,” tweet ni Gary.
Agad na umani ng iba’t-ibang reaksiyon mula sa kaniyang masugid na mga fans at maging ang ilang mga certified kapamilya fans ay nagbahagi ng kani-kanilang reaksyon hingil sa tweet na ito ni Gary V. May iba na agad na inisip na ang tinutukoy na ito ni Gary V ay ang paglipat ng ibang istasyon.

“OMG. Sir Gary Valenciano wag po sabihin na lilipat ka ng tv network?? hayyztttt pleaasseee wag ka po sna gumaya sa iba na porket in crisis ngayun ang abs-cbn ay iniwan na nla..madami mahuhurt kapag yan ang naging big decision mo po. Sana you stay pa rin as a kapamilya,” kumento ng isa.
“Sir gary wag niyo kaming iwan sa ABS subrang sakit na po kasi isa isa na nagsi alisan ang mga artists sa ABS po pero nasa iyo parin po ang decision po hope di ka po aalis,” pakli naman ng isa pa.
Kung ang iba ay naisip na maaaring patungkol ito sa paglipat niya sa network, may iba naman na sinabing ipagdadasal nila ang health ni Gary V.
“Hi sir Gary Valenciano praying and declaring that the Holy spirit will give you wisdom to do what is right in the eyes of God..Declaring favor upon favor for you, good health.. God bless you po,” sabi ng netizen.

Samantala sa kaniyang twitter account din ay agad na nilinaw ng asawa ni Gary V na si Angeli Pangilinan ang pinatutungkulan ng kaniyang asawa.
“I ended up reading comments of fans and followers of Gary when he publicly asked for prayer which he rarely does. I was amused & touched that many speculated & assumed he was leaving ABS. It was a private decision he had to make. And no he is not going into politics!
“For the last 18 years Gary has been part of the Kapamilya network. They have treated him well & saw us thru his medical crisis, even giving him ‘World of Dance’ after the bypass/cancer challenge. Don’t worry everyone. It was never considered.
“Lastly,for those who have prayed with us&for him we want to thank u. It touched us deeply that hundreds perhaps thousands prayed for him. Maraming salamat sa inyong lahat. Naramdaman namin ang pagmamahal ninyo at lungkot. Huwag kayong mag-alala. Mananatili siyang Kapamilya,” buong pahayag ni Angeli.
Matatandaang ngayong taon lang din ay isa si Gary V sa ilang kapamilya stars ang siyang nag renew ng kanilang kontrata under Star Magic.
Gary V. ibinahaging may Major Decision siyang gagawin, asawang si Angeli nilinaw ito
Source: Babaero Balita

0 Comments