Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Mensahe ni Kim sa walang sawang namba bash sa kaniya, “Ang sakit na.. tao lang din kami”

Nagbahagi ng kaniyang saloobin si Kim Chiu patungkol sa karera niya ngayon sa buhay, maging sa mga bashers na walang humpay ang panghi hate sa kaniya


Sa isang recent interview ay naglabas ng kaniyang saloobin ang certified kapamilya at It’s Showtime host na si Kim Chiu patungkol sa tila walang humpay na bashing na natatanggap niya.

“Last year was the super challenging year talaga for me, Parang everything you do, naka-microscope na sila, ‘yung pinakamali doon sa sinabi mo,” pagsisimula ni Kim.

Matatandaang pinutakti siya ng bashing matapos na maglabas siya ng kaniyang saloobin matapos na hindi i renew ng kongreso ang prangkisa ng ABS-CBN.


Dito nga ipinanganak ang katagang “Bawal Lumabas” na siyang ginawang halimbawa ni Kim sa pagbibigay niya ng kaniyang opinyon, ngunit dala nang bugso ng kaniyang damdamin ay hindi niya naipaliwanag ng maayos ang kaniyang sasabihin, naipaliwanag niya ito kalaunan ngunit mas binigyang pansin ng lahat ang kaniyang pagkakamali.

Sa kabila naman ng mga pangyayaring ito ay tini take na lamang umano niya ito na lesson sa mga naging pagkakamali niya na dapat niyang linangin pa.

“For me, learn from your mistakes. And then take care of your mental health also, protect yourself from those people who can actually hurt you. Tao din naman kami. ‘Pag may nagsasabi sa ‘yong, ‘Ang tanga-tanga mo,’ ang sakit-sakit naman.

“Pero iniisip ko na lang, hindi naman niya ako kilala. Bakit niya ako sasabihan ng ‘tanga’? Hindi naman tayo magkakilala, so bakit ka magkakaroon ng freedom to tell me those things? Nasi-segregate ko na ‘yung people who can actually hurt me and people who can just pass by,” pagbabahagi nito.

Thankful naman na si Kim sa kung ano ang meron siya sa kasalukuyan lalo pa’t naabot na niya ang kaniyang mga pangarap at sa kabila ng 15 years niya sa showbiz ay matatag pa rin ang kaniyang career.

“I’m just very thankful that destiny brought me here, and until now, after 15 years, I’m still here. ‘Yung dream ko lang talaga is makita ako on national TV. Hanggang ngayon, I’m still living my dream.

“There is no easy life. ‘Di ba bago magka-rainbow, may ulan muna, may baha, may bagyo? So that’s part of it. ‘Yung showbiz career, parang life line — up, down, up, down — as long as it’s doing that, buhay ka pa, okay pa ‘yun,” ani Kim.

Pinasalamatan din ni Kim ang kaniyang mga solid supporters na hindi siya iniwan mula noon hanggang ngayon, “Ang dami-dami nang nangyari, andiyan pa rin talaga sila. Hindi sila nag-give up. Hindi sila, ‘Ay, nakakapagod na kay Kim, ayaw na namin.”

“‘Yung time and effort na binibigay nila para sa akin, ang laki ng mga puso nila. Para bigyan nila ako ng ganitong oras, ganitong pagmamahal, ganitong pakikipaglaban just to show na mahal nila ako, and they’re there for me… I consider myself lucky, kasi hindi sila nawala,” paglalahad ni Kim.



Mensahe ni Kim sa walang sawang namba bash sa kaniya, “Ang sakit na.. tao lang din kami”
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments