Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Arjo Atayde inaming si Maine Mendoza na ang kaniyang ‘The One’

Inamin ni Ar4jo Atayde na nakikita na niya ang sarili kasama si Maine Mendoza hanggang sa pagtanda.


Sa latest vlog ng batikang brodkaster na si Julius Babao ay ibinahagi nito ang naging pag-uusap nila ng multi-awarded at kapamilya actor na si Arjo Atayde.

Sa kanilang pag-uusap sa naturang vlog ni Julius Babao na may titulo pang ‘Real Talk with Arjo Atayde’ ay napag-usapan ng dalawa ang buhay pag-ibig ni Arjo.

Dito ay deretsahang sinagot ni Arjo Atayde ang ilang katanungan kabilang na ang kung pinag-uusapan na ba nila sa ngayon ni Maine Mendoza, na kaniyang kasintahan, ang pagpapakasal.


“Yes, of course, napag-uusapan ‘yan. I’m at the right age. We’re not getting any younger. And we’re both very happy. Hopefully until we get old. Ito na po ‘yun, Sobrang mahal ko po ‘yung tao, eh,” diretsong sagot ni Arjo patungkol sa estado ng relasyon nila ngayon ni Maine.

Matapos pa nito ay ipinaliwanag ni Arjo kay Julius kung bakit nga ba si Maine Mendoza na ang nakikita niyang ‘The One’ para sa kaniya.

“Very hard to explain how a person can be unique the way you see them. But to me, she’s a very loving person, mabuti ang puso niya. That’s also very hard to find, ‘yung sincerity. And grabe magmahal.

“But ‘yun po, hindi ko po ma-explain, grabe po, eh. It’s a different way of… iba po, eh. I’m overwhelmed with the way I love her and she loves me back. It’s a different understanding. I think I found a best friend [and] partner,” ani Arjo.

Natanong din ni Julius kung bukod pa rito ay maituturing na rin ba niyang ‘soulmate’ niya si Maine,  “Yes. Whatever adjective it may be, yes,” walang pag aalinlangang sagot nito.

Dahil napag-usapan na rin lang ang pag-aasawa o pagpapakasal, naitanong na rin ni Julius kung napag-usapan na ba nila kung sa pagdating ng araw ng kasal nila ay hahayaan niyang maging housewife si Maine.

Hindi naman lingid sa lahat na sa kasalukuyan ay nasa showbiz world pa rin si Maine Mendoza at napapanood pa rin sa iba’t-ibang shows na kinabibilangan niya.

Mabilis naman itong sinagot ni Arjo na aniya ay ibibigay niya ang kung anong pipiliin ni Maine, “I’ll give her that option but that’s her choice.”

Mahigit sa dalawang taon na ring opisyal na mag-jowa sina Arjo Atayde at Maine Mendoza, Taong 2019 ng Enero ng unang pumutok ang balita ng kanilang pagkakamabutihan at December din ng naturang taon nang batiin nila ang isa’t-isa para sa first anniversary nila bilang mag-jowa.



Arjo Atayde inaming si Maine Mendoza na ang kaniyang ‘The One’
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments