Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Rico Blanco sinagot ang isang netizen na tinawag siyang ‘silahis’

Mahinahong sinagot ni Rico Blanco ang isang netizen na pinuna ang kaniyang pananamit


Sa kalayaan ng mga tao na maghayag ng kanilang damdamin sa social media ay kaakibat nito ang responsibilidad na maging maayos at hindi dapat kapana panakit sa iba ang bawat kumento mo.

Ngunit hindi na bago sa ating bansa ang makabasa ng mga below the belts na kumento lalo pa sa mga kilalang artista, lahat ng hindi magagandang kumento ay tiyak na pupukulin sila.

Sa kaniyang facebook post ay nagbahagi ang dating Rivermaya band member at singer-songwriter na si rico Blanco ng kaniyang litrato para sa mga followers niya.


Sa naturang post ay makikitang nakasuot ang singer ng plain black shirt, plain black baggy pants, black face mask at may nakasabit na tote bag na itim na may artwork na gawa ni Poklong Anading. Kaakibat pa ng post na ito ang caption na, “nakalabas lang ng gate nagpa pic na.”

Sa comment section ay ibinida niya ang kaniyang suot na bag, “sya nga pala, yung nakasabit sa balikat ko ay limited na artwork (at bag, duh) ng nag iisang Poklong Anading. Search nyo nalang po para sa karagdagang (brain emoji).”

Marami ang nanibago at natuwa sa naturang naiibang outfit ni Rico Blanco ngunit kagaya ng ibang artista ay may iba na kinantiyawan ang naturang outfit niya.

Isang netizen ang nagkumento at diretsang sinabing nagmumukhang silahis na raw ang singer, “Idol parang nagiging silahis na pormahan mo ah (peace sign emoji),”

Agad naman itong ni replyan ni Rico Blanco na tila chill lang at hindi naman na-insulto sa sinabi ng netizen, “Lawakan natin isip natin bestfriend.”

Marami ang agad na dumipensa para kay Rico Blanco at sinabing hindi naman nakakadagdag sa pagkalalaki ang ganoong kasuotan, may nagsabi pa na sa pinas lang daw talaga grabe ang pang huhusga sa pananamit.

“Sa pilipinas lang lang may malaking diskriminasyon sa kasootan kung ano ng suot ng iba dpt ganun ka di para hnd ka mging kakaiba o katatawanan.. pero sa ibang bansa sa napunthan ko kahit ano isuot mo walang problema walang ganyang mentalidad its a free country,” sabi ng isang netizen.

“Hindi naman pormahang silahis yan eh… dami kaya nagsusuoy ng ganyan lalo na dito sa Korea. Mga pamangkin ko nga na lalaki ganyan pormahan,” pakli naman ng isa pa.

“Yun pag pinoy nkasuot ng ganito may pagkabading daw. Pero pag mga lodi niong Kpop paunahan pa kayo gayahin,” biro naman ng isa pa. 



Rico Blanco sinagot ang isang netizen na tinawag siyang ‘silahis’
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments