Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Cristy fermin pinagtanggol si Lolit, Mikee Morada binanatan masyado raw ‘Patola’?

Binanatan ni Cristy Fermin si Mikee Moranda bilang pagtatanggol nito sa kaibigang si Lolit Solis


Kamakailan lamang nga ay naging mainit na usap-usapan ang tila naging insensitibong kumento ni Lolit Solis patungkol sa miscarriage umano na pinag daanan ni Alex Gonzaga.

Sa naunang kumento ni Lolit Solis ay sinabi nitong nalulungkot siya sa nangyaring pagkakalaglag ng unang baby sana nina Mikee Morada at Alex Gonzaga.

Ngunit kaakibat nito ang pagsasabing ayaw raw ilabas agad ng pamilya nila ang balita dahil tila nais raw itong pagka perahan sa pamamagitan ng panonood sa kanilang YouTube account.


Nakarating ang naturang kumento ni Lolit sa asawa ni Alex Gonzaga na si Mikee Morada at naglabas din ng kumento at sinabing nadidismaya at nasasaktan ito sa naging kumento at paratang ni Lolit, humihingi ito ng respeto na sana’y huwag gumawa ng kwento lalo’t hindi naman nito alam ang totoong kwento.

Ilang araw makalipas ang paglalabas ng saloobin ni Mikee Morada ay humingi naman ng paumanhin si Lolit Solis sa pamilya Gonzaga pati na rin kay Mikee.

Ani nito na hindi umano niya intensiyong makapanakit o mambastos sa iba lalo na kina Alex at Mikee, nais lamang umano niyang maglabas ng kaniyang stress sa pagsusulat.

“Gusto ko lang magkaruon ng mental exercise by writing, I enjoy IG, I enjoy reading your comments, puwede kaya na pag binasa nyo ang anuman isinulat o IG ko, can you please don’t put malice dito ? Wala akong intention to hurt or cause pain.

“So SORRY if ito ang naging dating kay Alex Gonzaga at sa kanyang asawa. I will honestly say na I appreciate the very respectful comment of Alex Gonzaga husband. Hindi iyon ang motibo ko, hindi iyon ang gusto ko,” pahayag ni Lolit.

Samantala sa kaniyang radio program ay ipinagtanggol ng radio at showbiz columnist na si Cristy Fermin ang kaibigan at kapwa niya showbiz columnist din na si Lolit Solis sa partikular na isyu laban kay Mikee Morada.

Sinabi nitong wala namang masama sa sinabi ni Lolit at concern pa nga umano ang tao sa nangyari sa asawa nito, hinamon din nito si Mikee na sagutin ang banat niya kung bakit patola na umano ito.

“Sa ginawa ni Manay Lolit kahit anino ng libel wala, ‘di ba? Napakaganda ng kaniyang sinabi. Nag wish pa siya ng maganda para sa mag-asawa, di’ba?.

“Ano ba naman si Konsehal Mikee, ano na ba itong mga pinaggagagawa mo? Mukha yatang gusto mo na ring mag-showbiz.. Ako ang sagutin mo ngayon ng ganitong pailalim.

“Sagutin mo ako ng sarkastiko. Ako ang sabihan mo ngayon sa pagkukwestiyon ko sa’yo kung bakit patola ka na!,” ani ni Cristy sa kaniyang radio show.



Cristy fermin pinagtanggol si Lolit, Mikee Morada binanatan masyado raw ‘Patola’?
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments