Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Para sa kapatid na si Mona, Ivana Alawi handang ubusin ang pera gumaling lang ito

Emosyonal na ibinahagi ni Ivana Alawi kay Ogie Diaz ang pinagdaraanan niya ngayong may sakit ang kapatid na si Mona Alawi


Naging emosyonal ang YouTube star at Kapamilya artist na si Ivana Alawi sa isang panayam niya kasama ang showbiz manager at YouTuber na rin na si Ogie Diaz.

Napag-usapan kasi nila ang patungkol sa sakit ng kapatid niyang si Mona Alawi na hindi naman lingid sa lahat na mayroong sakit na type 1 diabetes.

Sa pagsisiwalat ni Ivana na sa kasalukuyan nga ay naghahanap pa sila ng mas better na treatment para sa kapatid, dagdag pa nito na paminsan pa ay siya pa mismo ang nag i inject ng insulin sa kapatid.


“Minsan nga sinasabi ni Mona, ‘Ate tama na. Ang mahal nito, ang mahal ng ganyan’. Sabi ko, ‘Mona, kaya nga ako (nagtatrabaho) because I want to give you the best’. Bakit pa ako nagtatrabaho kung hindi ko naman ibibigay sa pamilya ko,” saad ni Ivana.

At dito ay isiniwalat ni Ivana na handa niyang ubusin ang pera niya gumaling lamang ang kapatid na si Mona kabilang na ang mapanatiling ligtas at malusog ang pamilya niya.

Kasunod naman nito ang pagsasabi niyang naniniwala siya na darating ang araw na gagaling ang kaniyang kapatid mula sa naturang sakit.

Sa kabila ng katatagang ginagawa niya ay inamin din niyang malimit na naiiyak na lamang siya at nalulungkot lalo pa’t nakikita niyang naghihirap ang kapatid.

“Umiiyak na lang ako. Sabi ko ‘Mona, lumaban ka!’ Kasi minsan may mga time na pinanghihonaan siya ng loob, na parang puro sakit. Everyday, all she feels is pain,” ani Ivan.

Hindi umano niya kakayaning mawala ang kapatid na si Mona kaya naman ginagawa niya ang lahat ng makakaya niya para palakasin din ang loob nito at patuloy na lumaban.

Pakiramdam niya ay kung sakaling lisanin siya nito, mawawala na ang kwela at masayahing Ivana dahil hindi siya makaka-move on sa pagkawala nito.

Matatandaang nauna ng ibinahagi ng mag-kapatid na na-diagnose si Mona ng diabetic neuropathy, isang sakit na nakuha niya noong nanibago ang kaniyang katawan matapos nitong ma-control ang kaniyang sugar levels.

Sa ngayon nga’y nasa mabuting kalagayan naman ang kaniyang kapatid at kaakibat nito ay ang pagbabahagi niya ng mensahe para sa lahat lalo ngayong pandemya.

“Never lose hope because marami tayong pinagdaraanan and itong pandemic, isa ito sa mga struggles natin that we will overcome and we will become stronger,” pakli pa ni Ivana.



Para sa kapatid na si Mona, Ivana Alawi handang ubusin ang pera gumaling lang ito
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments