Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Julia Barretto nag react sa patungkol sa relasyon nina Marco Gumabao at Ivana Alawi

To the rescue si Julia Barretto sa kaibigang si Marco Gumabao ng tanungin ito patungkol sa trending video nila ni Ivana Alawi


Kamakailan lamang ay naibahagi namin sa aming facebook page ang mga litrato kung saan magkasama sina Marco Gumabao at Ivana Alawi sa isang tila videoke session.

Sa naturang video ay mapapanood na magkatabi sina Marco at Ivana habang masayang nagkakantahan sa loob ng isang KTV Bar kasama ang ilang mga kaibigan.

Mapapansin din ang tila sweet sila sa isa’t-isa at magkadikit pa ang mga ito dahilan upang masabi ng marami na may relasyon na nga ang dalawa.


Sa ginanap na mediacon para sa isang TV5 series, kung saan kasama niya si Julia Barretto at Marco Gallo, ay tinanong si Marco Gumabao patungkol sa sa kung ang babae ba sa viral video niya ang siyang nagpapasaya at nagpapa inspired sa buhay niya ngayon.

“Gaano ka ba ka-inspired ngayon? Yung girl ba na kasama mo sa viral photo (video) ang nagpapasayasa sa puso mo ngayon?” tanong kay Marco.

“Lagi naman akong inspired, lagi naman. Ah, lagi naman akong inspired,” ang natatawa at paulit ulit lamang na sagot ni Marco sa naturang tanong.

“Huli kami sa balita,” hirit na sabi ni Julia na matatandaang malapit na kaibigan ni Marco. “Si Direk tumatawa, eh. Naguguluhan ako sa ‘yo. Direk, huwag kang tumatawa,” hirit naman ni Marco.

Matapos nito ay sumingit muli si Julia at ipinaliwanag ang side ni Marco, “I’m sure si Marco will talk about it when he’s ready to talk about it.

“I think everyone is still in shock and he’s still overwhelmed kasi si Marco is the type of guy na kapag private life niya, gusto niya private lang.

“We’ve been friends for eight years now. I think I can tell Marco really likes a girl. I know when Marco is actually going to pursue a girl. I know that because I know how he behaves when he’s in love.

“I know how he starts acting like he’s in love, but I also know Marco when he’s unsure. I also know Marco when he’s nervous. I also know Marco when he’s afraid,” ang pagsalo ni Julia tungkol sa lovelife ng kaibigan.

Hindi na rin sumagot pa si Marco matapos ang mga sinabi ni Julia, sa kabila naman nito ay positibo ang naging reaksyon ng marami kung totoo mang may relasyon ang dalawa.



Julia Barretto nag react sa patungkol sa relasyon nina Marco Gumabao at Ivana Alawi
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments