Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Noli De Castro hindi na tutuloy sa pagka Senador, anak na si Kat nagbigay update sa ama

Matapos na opisyal na umatras ni Kabayan Noli sa pagtakbong Senador ngayong darating na Halalan ay nagbigay ng update ang anak nitong si Kat De Castro hingil sa naging desisyon ng ama


Nitong nakaraang linggo lamang ay ginulat ng batikang brodkaster na si Noli De Castro ang marami sa desisyon niyang pagtakbong muli bilang senador.

Sa kaniyang desisyon ay opisyal niyang nilisan ang trabaho niya sa ABS-CBN mula sa TV Patrol hanggang sa DZMM Teleradyo programs.

Biyernes, October 8 nang opisyal siyang nag file ng kaniyang certificate of candidacy upang pasuking muli ang mundo ng pulitika matapos ang mahigit sa 12 taon.


Ngunit ngayong araw, Miyerkules (October 13) ay muling ginulat ni Noli De Castro ang marami sa desisyon nitong pagwi withdraw ng kaniyang kandidatura para maging senador sa paparating na Halalan 2022, sa ilalim ni Manila Mayor Isko Moreno, na siyang tatakbo sa pagka pangulo, sana ang kaniyang grupo.

Sa kaniyang official statement ay inihayag ni Kabayan Noli na idinaan niya sa pagdadasal ang kaniyang desisyon at ipinaliwanag na mas makakatulong siya sa bayan bilang isang mamamahayag.

“Isinumite ko ang aking kandidatura sa Comelec noong Biyernes. Ngunit nagkaroon ng pagbabago ang aking plano,” panimula ni Kabayan sa kaniyang statement.

“Kasabay ng pagdarasal sa Poong Nazareno, napag-isip-isip kong mas makatutulong ako sa pagbibigay ng boses sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng pamamahayag.”

Sa inilabas namang statement ng kaniyang grupo kabilang na ni Isko Moreno ay tinatanggap at ni rerespeto umano nila ang naging desisyong ito ni Noli De Castro.

Marami nga ang nagulat at patuloy ding nagtatanong sa ngayon kung ano na ang susunod na hakbang ni Kabayan Noli De Castro, magpapahinga nga ba ito o magbabalik sa ABS-CBN o sa Teleradyo?.

Ito ang ilan din sa mga tanong na ipinupukol sa kaniyang anak na si Kat De Castro kaya naman sa kaniyang social media account ay naglabas siya ng sagot sa mga tanong na ito patungkol sa ama.

“Ang dami naman pong nagpapadala ng messages sa akin. Para isahan na lang: , My Dad is okay health wise. No need to worry about anything.

“He has personal reasons for withdrawing his candidacy.- He’s now spending time with family, most especially with his grandchildren. – What’s his next move? Wala pa. Pahinga muna siya. Have a nice day everyone!,” buong pahayag ni Kat De Castro.



Noli De Castro hindi na tutuloy sa pagka Senador, anak na si Kat nagbigay update sa ama
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments