Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Lolit Solis humingi ng tawad kila Alex G., bumuwelta na rin sa mga bashers niya

Humingi ng tawad ang batikang kolumnista na si Lolit Solis kina Alex Gonzaga at Mikee Morada sa kaniyang naging kumento patungkol sa miscarriage ni Alex


Naging usap usapan nitong nagdaang araw lamang ang naging insensitibong kumento ni Lolit Solis kay Alex Gonzaga patungkol sa miscarriage na napagdaanan nito.

Ani ni Lolit na tila raw gusto ni Alex G at pamilya nito na ibahagi ang naturang balita sa kanilang Youtube channel na para bang pinalalabas niyang nais itong pagkaperahan nila Alex.

Hindi nga nakatiis na magkumento sa naturang sinabi ni Lolit ang asawa ni Alex G na si Mikee Morada at sinabi nitong nalulungkot siya sa itinuran ng matanda.


“Mam masakit at nakakadismaya naman. Hindi lang patungkol kay Alex ang inyong sinulat, tungkol ito sa amin mag-asawa. “Kaya hinihingi ko ang inyong pag-respeto. Huwag po kayong gumawa ng kwento sa ganitong klaseng sitwasyon lalo’t hindi niyo naman alam ang totoong pangyayari. Salamat,” buong pahayag ni Mikee para kay Lolit.

Sa kaniyang Instagram account ay sumagot na nga ang batikang kolumnista hingil sa isyu at humingi ng tawad sa mag-asawang Mikee at Alex.

Sa pagsisimula ni Lolit ay pinaliwanag nito na 74 Years old na siya at hindi niya hangad ang makasakit o maka offend ng iba, ani pa niya na libangan na niya ang paglalabas ng kaniyang opinyon.

“Gusto ko lang magkaruon ng mental exercise by writing, I enjoy IG, I enjoy reading your comments, puwede kaya na pag binasa nyo ang anuman isinulat o IG ko, can you please don’t put malice dito ? Wala akong intention to hurt or cause pain.

“So SORRY if ito ang naging dating kay Alex Gonzaga at sa kanyang asawa. I will honestly say na I appreciate the very respectful comment of Alex Gonzaga husband. Hindi iyon ang motibo ko, hindi iyon ang gusto ko.

“If I have offended and hurt you, I deeply apologize. I understand what you mean na very trying ang experience na ito para sa inyong mag asawa,” ani ni Lolit.

Matapos nito ay bumuwelta naman siya sa mga bashers niya na nagbibigay ng negatibong kumento tungkol sa kaniya.

“For the people na sobra naman negative ang naging reaction, I also understand. Pero sana, nakita nyo rin how Alex Gonzaga husband handled the matter.

“Sana , bashers can use more respectable words, puwede naman magalit ng sosyal parin ang dating, mukhang edukado parin . Or baka naman dahil nga tsismosa ako, mukhang pera at bobo, kaya mga bashers ko ganuon din di ba ? Baka naman dahil squatter ugali ko, squatter din mga bashers ko, hah hah,” ani Lolit.

Sa huli ay sinabi pa ni Lolit na tanggap naman niya kung hindi siya re respetuhin ng marami, sana lamang daw ay maging constructive ang lahat at gumamit lamang ng maganda o maayos na mga salita.



Lolit Solis humingi ng tawad kila Alex G., bumuwelta na rin sa mga bashers niya
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments