Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Asawa ni Alex na si Mikee, sinupalpal ang insensitive comments ni Lolit Solis

Sinagot ni Mikee Morada ang insensitibong kumento ni Lolit Solis patungkol sa asawa nitong si Alex Gonzaga


Nadismaya at hindi ikinatuwa ng mister ni Alex Gonzaga na si Mikee Morada ang mga nabasa niyang kumento ng batikang kolumnista na si Lolit Solis.

Sa ibinahaging kumento kasi ni Lolit Solis ay nagbahagi ito ng kaniyang opinyon hingil sa balitang nalaglag o nakunan si Alex Gonzaga na para sa kaniya ay nakakalungkot naman daw talaga.

Ngunit ipinunto ni Lolit Solis na tila baga hindi ito ibinabalita ni Alex Gonzaga sa lahat ay upang maging ekslusibo itong mapanood sa kaniyang YouTube channel.


“Naawa naman ako sa balita na nakunan daw si Alex Gonzaga. Kasi nga worried na worried ang mga followers niya at gusto malaman ang tutoong nangyari pero may nagsabi na sa vlog na lang daw ni Alex o Toni Gonzaga hintayin. Para bang ginawa ng business pati malungkot na balita.

Inintriga rin ni Lolit kung totoo nga ba na nagalit umano si Mommy Pinty, ina ni Alex Gonzaga, ang paglabas ng bali-balitang pagkaka-kunan ng anak dahil nais daw nitong sa YouTube unang mapanood.

“Siyempre para sa sinuman babae very sad na mawala ang baby mo, lalo at first baby nilang mag-asawa. Hindi naman siguro tutoo na nagagalit ang mother Pinty nila Alex st Toni na lumabas ang balita dahil gusto nga daw nila na maging exclusive sa vlog nila.

“Very petty ‘di ba? Dahil lang sa vlog pati ganitong balita itatago? Eh married naman si Alex, at paano itatago iyon medical record?

“Basta for us, get well soon Alex, at be strong. Magkakaruon ka pa uli ng baby, we pray for that. Amen,” mahabang litanya ni Lolit Solis sa kaniyang Instagram account.

Agad ngang nakarating kay Mikee ang tila insensitibong kumento ni Lolit Solis sa asawa nitong si Alex Gonzaga kaya naman hindi na nito napigilang magkumento sa naturang post.

“Mam masakit at nakakadismaya naman. Hindi lang patungkol kay Alex ang inyong sinulat, tungkol ito sa amin mag-asawa.

“Kaya hinihingi ko ang inyong pag-respeto. Huwag po kayong gumawa ng kwento sa ganitong klaseng sitwasyon lalo’t hindi niyo naman alam ang totoong pangyayari. Salamat,” buong reply ni Mikee para kay Lolit.

Wala pang isinasgot si Lolit Solis sa naturang reply sa kaniya ni Mikee Morada at magpasa hanggang ngayon ay wala rin namang pagkukumprima sina Alex Gonzaga patungkol sa miscarriage nito.



Asawa ni Alex na si Mikee, sinupalpal ang insensitive comments ni Lolit Solis
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments