Magsasanib pwersa ang ABS-CBN at iQiyi para sa two original tv series na ipapalabas sa buong mundo
Hindi na mapipigilan pa ang lalong paglaki at paglawak ng Digital Presence ng ABS-CBN hindi na lamang sa ating bansa kundi maging sa International scene na rin.
Ngayong araw lamang ay ibinunyag ng bigating Video streaming platform na iQiyi ang kanilang pakikipag sanib pwersa sa ABS-CBN Entertainment.
Sa ginanap na Asian Contents and Film Markets ay ibinahagi ng iQiyi ang kanilang vision para sa upcoming shows, “Over the past year, we’ve seen a very positive trend of international viewers consuming more Asian content as a whole.
“As the leading global streaming player rooted in Asia with a global footprint, iQiyi will double down its investment in introducing premium pan-Asian content to the world. We are excited to play a crucial role in putting Asian content front and center in collaboration with top-notch creators and talents from Korea and the Philippines to bring compelling Original stories to our users in 191 territories.”

Dalawa sa six upcoming original series ng iQiyi ay magmumula sa ating bansa kung saan kapartner nila ang ABS-CBN, habang apat naman dito ay mula sa South Korea.
Ang mga naturang Philippine series din ang kauna-unahang gagawin nilang series para sa South East Asian region at tunay na nakaka proud dahil kapamilya stars ang bibida rito.
Ang unang original series na kanilang ihahandog ay “Saying Goodbye” na siyang pagbibidahan ng bigtime loveteam na SethDrea o sina Seth Fedelin at Andrea Brillantes.
Ang “Saying Goodbye” ay isang original series patungkol sa dalawang taong pinagtagpo ng kakaibang adventure sa buhay at sa mundo ng musika.
Ang ikalawang original series ay “Hello, Heart” na pagbibidahan ng bagong tambalan na sina Gigi De Lana para sa kaniyang first major series katambal ang multi-awarded actor na si Gerald Anderson.
Ang “Hello, Heart” ay isang romantic comedy series patungkol sa karakter na si Heart, isang maganda, masipag pero malas pagdating sa buhay na matatagpuan ang kaniyang lucky charm na si Saul.
Si Saul naman na isang emotion-less na businessman ay makikilala si Heart at iha hire ito upang magpanggap na kaniyang asawa para sa Lola niyang may dementia.
Inaasahang ipapalabas ang naturang series sa iQiyi ngayong taon worldwide, isa na namang bigating partnership ng ABS-CBN na pagpapatunay ng pagtitiwala sa kanila ng mga international groups/media.
iQiyi at ABS-CBN magsasanib pwersa para sa dalawang original pinoy series
Source: Babaero Balita

0 Comments