Isang Grab rider ang siyang nadamay at aksidenteng nabaril ng mga pulis habang hinahabol ang sasakyan ni Jake Cuenca
Sa pinaka mainit na balita ngayong araw ay ang balita ng di-umano’y pagkaka sangkot ng aktor na si Jake Cuenca sa isang aksidente nitong nagdaang gabi.
Ayon sa paunang ulat ay natamaan ang isang dumadaang grab rider ng mga balang pinaputok ng mga pulis na para sana sa sasakyan ni Jake Cuenca.
Nagsimula umano ang pangyayari matapos na aksidenteng mabangga ni Jake Cuenca ang isang sasakyan ng pulis na siyang gumagawa ng operation sa Mandaluyong area.
“Last night sa Mandaluyong area, may mga on-going operations tayo doon.. Wala namang nasaktan sa nabanggang sasakyan ni Jake Cuenca. During the chase. kailangan i-disable ang sasakyan (ni Jake Cuenca) kaya pinutukan ang gulong,” ayon sa paunang ulat ni Gen. Bacay.

Hinabol umano ng mga pulis ang sasakyan ni Jake Cuenca na hindi umano huminto matapos na makabangga ng sasakyan ng mga pulis.
“Hinabol ng mga pulis natin hanggang sa nakarating sa area ng Pasig sa may Shaw and when confronted, nakita na ang driver ng sasakyan ay ang aktor na si Jake Cuenca.”
Dahilan din umano ang pag alis o patuloy na pagpapatakbo ni Jake ng sasakyan upang magpaputok ang kapulisan sa sasakyan nito.
Ngunit sa gitna nang pagpapaputok nila ay tinamaan ng ligaw na bala ang isang dumaraan lamang na Grab rider sa kasagsagan ng naturang insidente.

Sa isang kumakalat na video pa nga sa social media ay mapapanood ang isang nakadapang grab rider sa kalsada, na siyang tinamaan ng ligaw ng bala ng mga pulis.
Nakakaantig sa pusong kinausap ng isa pang grab rider ang naturang nakadapang rider din at pinapatatag nito ang loob bago dumating ang ambulansya at pamilya nito.
Sa karagdagang report ng pulisya, ayon sa kanila ay maayos namang nadala ang naturang grab rider at kasalukuyang nasa mabuting kalagayan at nagpapa galing na ngayon.
Samantala kakasuhan naman ng mga pulis si Jake Cuenca ng Reckless Imprudence resulting to Damage to property at kasalukuyan umano itong nasa kustodiya ng mga pulis.
Grab Rider natamaan ng bala ng mga pulis na hinahabol ang sasakyan ni Jake Cuenca
Source: Babaero Balita

0 Comments