Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Darna costume nina Jane De Leon at Iza Calzado nabuo na, malapit na malapit na ang paglipad

Costume nina Iza Calzado na at Jane De Leon silipin!


Kamakailan lamang ay opisyal ng ipinakilala ng ABS-CBN ang siyang cast ng pinaka-inaabangang TV Series na pagbibidahan ni Jane De Leon na Darna TV Series.

Ipinakilala dito na bukod sa makakasama ni Jane De Leon si Iza Calzado bilang magmamana sa kaniya ng bato ay makakatambal din niya si Joshua Garcia.

Gaganap si Joshua Garcia bilang si Bryan Robles na isang Police officer na siyang magpapatibok ng puso ni Jane De Leon sa naturang adaptation.


Ipinakilala rin si Zaijan Jaranilla para sa pamosong karakter na si Ding na siyang sidekick ni Darna na ngayon pa lamang ay pinukol na ng positibong kumento, makakasama rin sa cast sina Kiko Estrada, Rio Locsin, Simon Ibarra, Joj Agpangan, Tart Carlos, Marvin Yap, Mark Manicad at marami pa.

Ibinunyag din na sisimulan na ang taping para sa naturang serye ngayong Nobyembre na kukunan ang ilang scenes sa bonggang Soundstages na nilikha ng ABS-CBN kagaya sa Hollywood.

Idi direk ito ng batikang direktor na si Chito S. Roño na nagbabalik sa pagdidirehe matapos ang ilang taon, siya ang naging direktor ng mga hit series kagaya ng Spirits, Lastikman at Imortal.

Samantala sa pag a announce ng ilan sa mga official cast ng serye ay kapansin pansin na hindi rito kabilang ang nga cast para sa mga villains partikular na ni Valentina.

Tinanong namin ang pulso ng mga netizens kung sino nga ba ang nababagay na gumanap sa iconic villain na si Valentina at marami ang nagbahagi ng mga pangalang bagay umano sa role.

May mga nagsasabing bagay ito para kay Ivana Alawi dahil sa angkin ganda nito, mayroon naman na nagsasabing bagay din naman kay Heaven Peralejo o kaya naman ay kay Yen Santos, ikaw sino sa tingin mo?



Darna costume nina Jane De Leon at Iza Calzado nabuo na, malapit na malapit na ang paglipad
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments