Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Jake walang kaso!, Mga pulis sa pinangyarihan pananagutin sa maling ginawa?

Walang ikakaso kay Jake Cuenca bagkus ay ang mga pulis raw ang nagkamali at nakabaril ng isang Grab rider


Lumabas ngayong araw ang baling pagkakasangkot ni Jake Cuenca sa isang insidente kung saan natamaan ng ligaw na bala mula sa mga pulis ang isang grab rider.

Ayon sa paunang ulat ng mga pulis ay hinabol nila umano si Jake Cuenca na nasa loob ng kaniyang sasakyan, binaril ang mga gulong nito upang mapahinto.

Sa naturang pamamaril nga ng kapulisan ay natamaan ang isang walang kamalay malay na Grab rider na dumaraan lamang sa naturang pinangyarihan.


Samantala sa inilabas na balita ng Bandera ayon sa source ay pauwi na si Jake Cuenca galing sa bonding nila ng kaibigang si Paulo Avelino ng bigla na lamang umano itong harangin ng mga pulis na naka sibilyan lamang, dahilan upang hindi paniwalaan ni Jake na mga pulis ito.

“Galing si Jake sa kaibigan niyang si Paulo Avelino, nagkatsikahan, bonding kasi Sabado naman. Tapos nu’ng pauwi na si Jake, may nadaanan siyang maraming sasakyang nakahinto tapos pinapara siya.

“Hindi niya kilala kasi mga nakasibilyan kaya hindi siya huminto, pinatakbo niya nang mabilis kaya nasagi niya ‘yung isang sasakyang nakaparada sa kalsada.

“Doon na siya hinabol, ayaw niya huminto kaya pinagbabaril ‘yung gulong ng sasakyan niya tapos nu’ng may nakita siyang mga nakaunipormeng pulis na pinara siya saka lang siya huminto. Nu’ng huminto siya, pinababa siya, tsinek ‘yung sasakyan niya, wala namang nakita (na ilegal),” ayon sa ulat ng Bandera.

Sa puntong iyon pa lamang nalaman ni Jake Cuenca na may nagaganap pa lang buy-bust operation sa lugar kaya naman naging mahigpit ang mga naka sibilyang pulis.

“Pagdating nila ng presinto doon lang nalaman ni Jake na may nabaril palang Grab driver. Kaya sabi ni Jake ay wala siyang alam tungkol sa Grab driver,” paliwanag ng impormante ng Bandera.

Hindi na rin daw itutuloy ng kapulisan ang pagsasampa ng kasong Reckless Imprudence resulting to damage to property dahil wala namang nakikitang kasalanan ang mga ito mula kay Jake.

Ayon din sa Bandera na ang mga pulis na namaril kay Jake Cuenca ang siyang kasalukuyang nakakulong ngayon dahil sa ginawa nilang biglaang pamamaril.

Nabanggit din sa report na walang kinalaman si Jake sa pagkakabaril sa delivery driver na kaagad namang inasikaso ng mga pulis at dinala sa Rizal Medical Center.



Jake walang kaso!, Mga pulis sa pinangyarihan pananagutin sa maling ginawa?
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments