Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

AJ Raval napuno na sa bashers!, “Tama na pagmamagaling.. Wala kayong alam”

Hindi na nakapag timpi pa si AJ Raval at sinagot na ang patutsada sa kaniya ng isang netizen sa pagiging sinungaling umano niya.


Tila napuno na ang sexy actress na si AJ Raval sa iba’t-ibang akusasyon at patutsada sa kaniya ng mga netizens hingil sa kaniyang buhay pag-ibig.

Sinagot kasi ni AJ Raval ang isang mahabang mensaheng ipinukol sa kaniya ng isang netizen patungkol sa di-umano’y pagsisinungaling niya sa isang vlog na kinabilangan niya.

Inakusahan siyang sinungaling sa mga nasabi nito sa ‘Extreme Girlfriend challenge’ na collab vlog niya kasama ng sikat na vlogger din na si Donnalyn Bartolome.


Sa naturan vlog kung saan nagpanggap silang dalawa ni Donalyn bilang mag-jowa ay nasabi niyang first time niyang ma-sorpresa ng mga bulaklak, baloons at teddy bear na ibinigay ni Donalyn bilang surprise sa kaniya para sa kaniyang kaarawan na ngayon nga’y sinasabi ng netizens na kasinungalingan daw.

Matatandaang bago ang lahat ng ito ay naging usap-usapan ang mga litratong ibinahagi ni Axel Torres, ex-boyfriend ni AJ, sa kaniyang IG stories kung saan makikita ang mga litrato ng isang babae na tila na-surprise sa mga flowers, shoes, damit at cake.

“AJ, I think what hurts the most was when you lied in Donna’s vlog that no one surprised you when in fact Axel did. Alam mo yung impact ng sakit nun kay Donna? EVERYONE who knows or met Donna can see how special she is.,” panimula ng basher.

“Did you ever realize how many people actually have a crush on her? I don’t think you did. Did you just use her to boost your YouTube? You could’ve said no sa challenge.

“She went all out sayo and that was genuine and [with] pure intentions. After you did the vlog with her, I adored you. I saw yung side mo na hindi puro sexy, I saw a sweet, mahiyain, sophisticated AJ.

“But now, I think it was only for a content. Well, you chose the wrong person to do it with cause Donna is a well-known and respected influencer. Napakabait, independent, creative, funny, humble, maganda, maalaga, genuine, and RESPONSIBLE,” matapang na saad ng netizen.

Ni repost ito ni AJ sa kaniyang IG Story at saka sinagot ang katotohanan sa likod ng akusasyong sinasabi o ipinupukol sa kaniya ng naturang netizen.

“I think I have to answer this, actually ‘yung photo na nakita niyo, ako ang nag-shopping don and nag arrange nag pa pic lang ako kasi valentines day yon gusto ko lang mag-post na sinurprise din ako. Tama na ang pagmamagaling ha? Wala kayong alam,” diretsahang sagot ni AJ.

Kung magkagayon ay nakakapagtakang bakit ibinahagi ni Axel ang naturang mga litrato kaakibat pa ang background music na ‘traitor’?, nais nga bang maki simpatya ni Axel lalo pa’t mag-isa lamang siya ngayon at si AJ ay masaya na kasama si Aljur o tanda lamang ito na labis siyang nasaktan sa nagawa ni AJ?



AJ Raval napuno na sa bashers!, “Tama na pagmamagaling.. Wala kayong alam”
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments