Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Jessy Mendiola inaming naging ma-attitude siya noong nagsisimula pa lamang

Ipinaliwanag ni Jessy Mendiola ang patungkol sa pag-amin niya noon nang pagiging suplada niya


Sa latest YouTube vlog ni Jessy Mendiola ay kasama niyang muli ang asawang si Luis Manzano at sa naturang vlog ay nag Lie Detector game silang dalawa.

Kinakailangan nilang sagutin ang tanong ng bawat isa ng Yes or No habang nakalagay ang kanilang mga kamay sa lie detector test upang malamn kung nagsi-sinungaling ba sila o hindi.

Sa pagsisimula nila ay napuno nang katatawanan ang kanilang tanungan hanggang mapadpad si Luis sa tanong patungkol sa pag-amin niya (Jessy) noon na siya ay ma-attitude.


“May nasungitan ka na ba o namalditahab ka na ba when you were starting out in showbiz?, Kasi sabi mo dati, aminado kang may attitude ka,” diretsong tanong ni Luis kay Jessy, ““Hindi starting out,[nangyari ito] noong medyo nakilala na ako,” panimulang sagot ni Jessy.

“Parang ang daming nangyayari sa life ko noon tapos syempre bata pa ako. Syempre breadwinner ako tapos pinoproblema ko ‘yung gagastusin ko sa pamilya ko.

“Syempre ‘pag artista ka, ang dami mong kailangang i-keep up. Isang pares ng sapatos, 50k-80k. Saan ako kukuha non? Tapos pag magba-variety show ka, makikita mo ‘yung ibang artista, ang gaganda ng mga gamit.

“Syempre sila may budget na tapos ako ‘yung dapat kong ipangbili ko ng sapatos, kailangan kong ipangtulong sa family ko.

“So medyo parang nagiging hindi masungit, more of like nagiging ano ako, dahil sa sobrang nabu-burnout ako sa trabaho, nagiging masungit ako,” paliwanag ni Jessy.

Inamin din ng misis ni Luis na dahil sa pressure na kaniyang nararamdaman bilang breadwinner ay tila lutang palagi ang kaniyang pag-iisip dahilan upang mapagtanto ng mga tao sa paligid niya na suplada siya.

“‘Yung akala siguro nila nagsusuplada ako pero ‘yun pala, nasa ibang lugar ‘yung isip ko so ang ending, nagmumukha akong masungit or suplada kasi nga iba ‘yung iniisip ko.

“Wala ako doon sa lugar na ‘yun kasi nandoon nga ako sa rough time ng buhay ko tapos kumbaga, ine-expect nila na kapag bagong artista ka kailangan sobrang bait,dapat ‘di napapagod.

“Minsan ‘di ba, hindi lang showbiz ‘yung buhay natin. Mayroon tayong mga personal battles or personal problems na nadadala natin sa trabaho,” dagdag pa nito.



Jessy Mendiola inaming naging ma-attitude siya noong nagsisimula pa lamang
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments