Muling e exit si Kabayan Noli De Castro sa TV Patrol na siya namang pagbabalik ni Karen Davila
Kumpirmado na nga ang nalalapit na pag-alis ng batikang brodkaster na si Noli De Castro sa top rating news program na TV Patrol.
Matatandaang bago ang pangyayaring ito ay umalis na rin ang weatherman reporter ng TV Patrol na si Kuya Kim Atienza matapos na tanggapin nito ang malaking offer ng kapuso network.
Samantala iba naman ang pangunahing dahilan ng nalalapit na pag-alis na ito ni Kabayan Noli De Castro sa paboritong news program ng bayan na TV Patrol.
Napag desisyunan kasi ni Kabayan Noli na pasuking muli ang mundo ng politika at tatakbo ito bilang senador ngayong darating na Halalan 2022, matatandaang hindi ito ang unang beses na umalis si Kabayan sa TV Patrol para sa pulitika noong siya’y nahalal bilang Vice President.

“Ako po ay makikipagsapalaran sa bagong uri ng ng public service,” ani Kabayan sa kaniyang morning program sa DZMM Teleradyo ngayong araw.
“Ang pagkakataong ito ay mas magiging malawak ang magagawa kong public service kung seswertehin sa tulong narin po ninyo.”
Gaya sa nauna naming sinabi ay hindi na ito ang unang beses na umalis si Kabayan sa TV Patrol matapos na tumakbo itong Senator noong taong 2001.
Sa panahon niya bilang Senador ay nakapag authored siya ng mahigit sa 252 bills at resolution kabilang na ang Expanded Senior Citizens Act of 2002.

Hindi niya natapos ang term niya bilang Senator noong 2001 dahil nag desisyon itong tumakbo bilang Vice President noong taong 2004 at naipanalo ang naturang laban.
Sa pag-alis muli na ito ni Kabayan sa TV Patrol ay maiiwan niya ang isa pang pwesto bilang main anchor na makakasama nina Bernadette Sembrano at Henry Omaga Diaz.
Ayon sa Politico website mula sa kanilang source ay nakatanggap sila ng balitang si Karen Davila ang hahalili sa pwestong maiiwan ni Kabayan Noli.
Sa susunod na linggo umano ay makakasama na nina Bernadette Sembrano at Henry Omaga Diaz si Karen Davila sa TV Patrol, na minsan na ring naging main anchor ng programa.
Wala na ring atrasan!, Noli De Castro aalis na sa TV Patrol, Karen Davila to the rescue
Source: Babaero Balita

0 Comments