Nilinaw ni AJ Raval ang totoong estado nang pagkakadikit niya sa isyu ng magkasintahang Barbie at Diego, kaakibat ang patutsada kay Xian Gaza
Sa unang pagkakataon nga ay nagsalita na si AJ Raval patungkol sa panibagong issue na kinasasangkutan niya kaugnay sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga.
Sa nagdaang mga araw kasi ay nagkaroon ng interview si Barbie Imperial at dito ay isiniwalat niyang hindi totoo ang chismis ni Xian Gaza na kabit di umano nito si AJ Raval.
Sa kaparehong interview pa nga ay hinamon ni Barbie si AJ na magsalita na agad at pasinungalingan ang mga binabatong chismis sa kanila ni Xian Gaza.
“Nu’ng oras po na ’yon parang nagtaka rin po ako saan po galing ’yong ganu’ng issue. Hindi naman din po ako nagalit. Parang wala lang po. Wala po akong reaction. Tapos parang gusto din po niya akong magsalita. Para saan po? Parang ganu’n. Alam naman po nilang dalawa na hindi totoo ’yon,” ani ni AJ sa isang interview with PikaPika.

Nilinaw ni AJ na kaya hindi siya agad nagsalita ay dahil sa alam naman niya sa sarili niyang hindi totoo ang isyu, “I think my peace of mind comes from the fact that I did nothing wrong.”
“Si Diego po hindi po never po nanligaw si Diego sa akin. Wala po kaming naging relationship ni Diego. One time ko lang po siyang nakasama, sa set pa po ng Death of a Girlfriend. Ayon lang po,” ani AJ.
Pinasinungalingan din niya ang mga patutsada ni Xian na madalas umanong binibisita siya ni Diego sa bahay nila sa Pampanga.
“Sa totoo lang, wala po akong contact sa kanila… kay Diego. Hindi po kami nag-uusap. Parang one year ago huling usap ko po kina Barbie at saka isang beses ko lang din po nakita si Barbie. Parang Hi, hello lang po. So, wala po talaga kaming connection,” buong paliwanag niya patungkol kay Diego.

At nang tanungin ito sa kung bakit tila siya ang pinupuntirya ni Xian Gaza sa mga isyung binabato sa kaniya ay sinagot ito ni AJ na hahayaan na lamang niya.
“Hindi ko po rin alam. Hindi ko rin po alam hinahayaan ko na lang po ’yong Xian Gaza kasi content niya po ’yon, e. Wala po tayong magagawa. Trabaho niya pong manira ng tao dahil trabaho niya pong gumawa ng k’wento. Wala po tayong magagawa. Hahayaan ko na lang din po,” pakli niya.
Sa huli ay wala naman umano siyang galit o sama ng loob para kay Barbie sa pangyayari, alam umano niyang nadala lang ng kaniyang emosyon si Barbie kaya nito nasabi ang mga bagay patungkol sa kaniya.
“Sana po maging okey po sila ni Diego. Sana po wag na po nila akong idamay kasi po unang-una, sila po ’yong magkarelasyon. Hindi po ako kasali są relationship nila. Kaya dapat ayusin po nilang dalawa ’yon kasi wala naman po talaga ako sa relasyon nila. Hindi po ako kasali,” dagdag pa ni AJ.
AJ Raval nagpatutsada kay Xian Gaza: “Trabaho niyang manira ng tao”
Source: Babaero Balita

0 Comments