Cherry Malaya buo na nga ba ang loob na hiwalayan ang boyfriend niyang si TJ Valderama?
Sa kakatapos lamang na 5th eviction night ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 ay patuloy pa ring mainit na pinag-uusapan ang isa sa mga lumabas dito na si TJ.
Bukod sa pagiging kauna-unahang evictee na nakakuha ng negative votes dahil sa mas malaking porsiyento ng kaniyang vote to evict ay nababalot ng kontrobersiya ang kaniyang paglabas.
Matatandaang ilang linggo na rin magmula ng naging usap-usapan si TJ dahil na rin sa pagiging sobrang malapit nito sa teen co housemate niya na si Shanaia Gomez.
Sa ilang mga clip mula sa bahay ni kuya ay mapapanood ang tila pagiging sobrang malapit ng dalawa kung saan hindi na ikinatutuwa ng netizens lalo pa’t may kinakasama si TJ gayundin ang pagiging mas batang edad ni Shanaia kumpara kay TJ.

Ilang linggo bago maganap ang eviction ni TJ ay naging trending topic pa nga sa twitter ang Force Evict TJ dahil pa rin sa kaparehong isyu kay Shanaia.
Sa isyung ito ni TJ kay Shanaia ay hindi nanahimik lamang ang kaniyang girlfriend na si Cherry Malaya, maka=ilang beses na rin itong nagbahagi ng kaniyang saloobin hingil sa isyu.
“E kung i-force evict ko rin yan sa Malaya House??,” tweet ni Cherry noong kasagsagan ang isyu ni TJ at Shanaia kaakibat pa ang hashtag na ‘Force Evict TJ’.
Isang araw pa nga bago ang paglabas ni TJ sa bahay ni Kuya ay nag tweet muli ito at sinabing, “See you on Sunday for your secong eviction.”

Sa mga series of tweet pa ni Cherry ay tila ba ipinahihiwatig na nito ang kagustuhan niyang makipag-hiwalay sa kaniyang nobyong si TJ.
“Sasakay ka ba sa bangkang may butas? Sana respetuhin nyo ang desisyon ko kase buhay ko naman to. I will always choose the right things for myself whichever that maybe.
“Alam nyo, minahal ko yan, ginawa ko lahat ng kaya ko para suportahan sya. But I’m big on disrespect. Pag ang partner mo sinisiraan ka sa national television at may hinihimas himas na iba, papayag ba kayo? Tapos gusto nyo manahimik ako? Support ko sya? Wow.
“Isa ako sa mga sumuporta sa kanya nung ang issue nya ay yung ‘marites’. Pero once nakita kong di nya ko nirespeto sa pahawak hawak nya sa iba, that’s when he pushed me away. That’s not ok. And then try pa ng team TJ ako baligtarin, na ako ang nagloko. Wow.
“You must find the courage to leave the table if respect is no longer being served,” huling tweet pa nito.
Girlfriend ni TJ na si Cherry Malaya buo na ang loob na hiwalayan ito?
Source: Babaero Balita

0 Comments